^

Pang Movies

Manghuhula sa showbiz nalaos na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Teka, hindi na yata uso ang mga manghuhula sa showbiz! Ilan taon ding namayagpag ang mga manghuhulang ito na kadalasan eh rehash lang naman, huh!

Eh sa mundo ng showbiz, gaya rin sila ng karaniwang tao.

May ikinakasal, may nanganganak at may namamatay kung hindi man artista eh, bahagi naman ng pelikula at television.

Sa parte namin, gusto naming mag-wish para sa ilang mga artistang sikat pa rin sa publiko.

Unahin natin si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Bago matapos ang term, gumawa siyang muli ng pelikula.

At pagkatapos ng termino niya bilang Congresswoman ng Lipa City, palawakin naman niya ang kanyang nasasakupan.

Hinog na si Cong. Vilma sa mas mataas na posisyong pang nasyonal. After all, malalaki na ang mga anak niyang sina Luis at Ryan Christian, huh!

More movies kay Sharon Cuneta.  Not once a year but maybe twice a year.

Marami pang ibubuga si Shawie so a movie bago siya mag-retire.

Of course, more movies din para kay Maricel Soriano. Nakadalawa siya noong 2019 so dagdagan pa niya.  Nakakasawa na rin kasi ang mga pelikulang bida ang latest generation of stars!

Sa local movies naman, sanayin na ng movie­goers ang panonood ng indie films. Konti pa lang kasi ang market nito.

At sa TV, well abangan na lang natin kung may pagbabago pagdating ng Marso 2020, huh!

Sa mga baguhang artista, wag nang masyadong pa-cute sa inyong projects! Nakakauway na! Ilabas ang iba ninyo pang talent!

Harapin natin na puno ng pag-asa ang Year of the Rat!

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with