^

Pang Movies

Alice maraming exposure sa TV!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maraming nagtatanong na netizens kung isa na ring Kapuso ang maganda at mahusay na actress na si Alice Dixson. 

Nagsimula kasing mapanood si Alice na guest sa Madrasta bilang si Angelina dela Cruz, model-actress na tumulong kay Audrey (Arra San Agustin) nang tanggapin niyang mag-endorse ng rejuvenation clinic ni Sean (Juancho Trivino) at ilang araw din siyang napanood sa Afternoon Prime series.

Sumunod pumasok na guest si Alice sa primetime telebabad na Beautiful Justice na kung gaano siya ka-sweet sa Madrasta, dito ay head siya ng drug syndicate bilang si Black Rose at ewan kung bakit galit na galit siya sa isa pang head ng drug syndicate, si Ninang (Bing Loyzaga) at ibibigay niya kahit magkano, mapatay lamang siya ng tao niyang si Miranda (Valeen Montenegro). Napapanood pa rito gabi-gabi si Alice.

Pero ang mas pinansin ng mga netizens ay nang lumabas si Alice last Saturday sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa Christmas episode na Paskong Malamig Ang Puso na gumanap bilang si Grace na hindi nagkaasawa hanggang tumandang dalaga, pero patuloy na naghihintay sa lalaking mapapangasawa niya; Comment nga ng isang netizen, lalo siyang gumanda sa GMA-7.

Ang ganda kasi ni Alice kung saan nagsi­mula ang story noong lampas na siya sa teenage year at kita ang transition ng beauty niya hanggang sa tumanda siyang dalaga. Napansin din ng netizens si Ms. Tessie Tomas na parang hindi rin tumanda, na gumanap na nanay ni Grace, at isa pang tanong ng mga netizens, balik-GMA na ba ulit si director Bb. Joyce Bernal na siyang nagdirek ng Magpakailanman?

Matagal na kasing huminto sa pagdidirek si Bb. Joyce dahil gusto na raw niyang mag-produce na lamang ng movies, kasama ang partners niyang sina Piolo Pascual at Erickson Raymundo sa kanilang Springfield Productions.  Itatanong natin ito sa GMA Network.

Welcome 2020!

Goodbye to 2019 at welcome to 2020. Wish namin ang mas masaganang Bagong Taon sa ating lahat sa papasok na taon. To God be the Glory!

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with