^

Pang Movies

Daniel inayawan ng Polish girlfriend

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel inayawan ng Polish girlfriend
Daniel, Karolina

Dahil sa infidelity?

Binisita namin ang Instagram (IG) ni Daniel Matsunaga dahil sa balitang break na sila ng Polish GF niyang si Karolina Pisarek. Wala na nga kaming makitang post ni Daniel ng bagong photo ni Karolina at ang nabasa pa nga namin, siya ang sinisi sa break up nila ni Karolina.

Ang sakit para kay Daniel ng comment ng ibang Pinoy followers niya na Karolina deserves better. Ano kaya ang nangyari sa love story ng dalawang ito na super sweet pa naman dati at kulang na lang ikasal sila?

Saka, una pang nabalita sa isang Polish website ang break up ng dalawa dahil daw sa infidelity.

Napansin din ng followers sa IG ni Karolina na hindi nito sinagot ang Christmas greetings sa kanya ni Daniel. Binati kasi ni Daniel si Karolina ng “Merry Christmas” pero hindi siya sinagot ni Karolina.

Ayun nga, marami ang nanghinayang sa break up ng dalawa dahil parang perfect ang relationship nila at bagay na bagay sila visually dahil guwapo at maganda. Hindi lang nag-work sa kanila ang Long Distance Relationship (LDR), kaya ayan, single na naman si Daniel Matsunaga!

Ryan babalik sa TV5

Intriguing ang post ni Noel Ferrer patungkol sa talent niyang si Ryan Agoncillo at kung tama ang basa namin, parang magkakaroon siya ng bagong show sa TV5 na nabalitang babalik na sa pagpoprodyus ng entertainment shows.

Post ni Noel: “2019 WAS A VERY GOOD YEAR! From his semi-retirement eklat (sa showbiz), @ryan_agoncillo hae become a full fledged entrepreneur And this has made his family life even better!!! 2020 looks equally promising! We are excited over a big new endorsement and a truly bran-building show, right @percinotpercy? OH WELL, BRING IT ON 2020!”

Sumagot si Perci Intalan ng “Tara na @ryan_agoncillo and @iamnoelferrer meet na tayo! Happy 2020!”

Marami ang nakaka-miss kay Ryan bilang serious host dahil sa Eat Bulaga, may halong comedy ang pagho-host, kaya magandang balita sa fans ni Ryan kung magkakaroon nga siya ng show sa TV5.

Samantala, hindi na lang ang Angry Adobo ang food business nina Ryan at Judy Ann Santos dahil open na rin ang Pizza Telefono na si Ryan ang in-charge. Katabi ng Angry Adobo sa West Gate Alabang ang Pizza Telefono, kaya hindi mahirap hanapin.

Zia nakipagsabayan sa malaking billboard

May sarili at solong billboard si Zia Dantes para sa solo endorsement niyang Babylicious ng Baby Bench. Kung hindi kami nagkakamali, nasa EDSA sa may Guadalupe patawid na sa Mandaluyong City sa may Pasig River.

Curious kaming malaman ang reaction ni Zia kapag nakita ang kanyang solo billboard katabi ang malalaking billboard ng mga tulad niyang endorser. Ano kaya ang unang sasabihin ng bagets kapag nakita ang sarili? Ano ang itatanong sa kanyang mga magulang?

Samantala, nakabalik na ang Dantes family at ang ibang members ng pamilya ni Dingdong mula sa Christmas vacation nila sa Dakak Park & Resort na nasa Zamboanga Del Norte.

Zoren nagpa-block screening para kay Carmina

Pinasalamatan ni Carmina Villarroel ang asawang si Zoren Legaspi sa pagpapa-block screening para sa MMFF entry niyang Sunod. Kwento ni Carmina, August pa lang, pinaplano na ni Zoren na magpa-block screening at hindi sila napahiya ni Carmina sa mga inimbita dahil maganda ang pelikula, the only horrr movie sa MMFF.

May panawagan pala sina Carmina at Mylene Dizon, naka-post sa Instagram (IG) nila at ang sabi: “IMPORTANT NOTICE: If the movie Sunod is not in your local cinema, pls contact them and request for it.”

Kasunod nang panawagang ‘yun ang pagpo-post ng list ng cinemas kung saan, palabas pa ang Sunod. 

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with