^

Pang Movies

Pagkamatay nina Eddie at Amalia biggest showbiz news sa 2019

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagkamatay nina Eddie at Amalia biggest showbiz news sa 2019
Eddie

Bea, Gerald at Barretto controversy runners up lang

Para sa karamihan sa mga taga-showbiz, ang pagpanaw noong June 20 ng veteran actor na si Eddie Garcia ang biggest showbiz news sa 2019.

Malaking kawalan sa industriya si Eddie dahil sa mga kontribusyon niya. Talagang ipinagluksa ng lahat at news sa buong mundo ang pagpanaw niya. Big news din sa showbiz ang pagkamatay ng movie queen na si Amalia Fuentes.

Mga runner up lang sa Eddie at Amalia news ang mga isyu tungkol sa controversial break up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na mahigit sa isang buwan na pinagpistahan at ang nakakaloka na bangayan ng Barretto sisters sa burol ng kanilang ama. Na­ging national issue ang feud ng Barretto sisters dahil may special participation si President Rodrigo Duterte.

Mga drug pusher at user wala pa ring takot

Shocking ang news tungkol sa mga namatay sa Quezon at Laguna dahil sa pag-inom ng lambanog.

Hindi natin inakala na mangyayari ang malungkot na insidente dahil mga bata pa tayo, naririnig na natin kung paano nila iniinom ang lambanog na tinagurian na poor man’s liquor.

Naisip ko tuloy, kung totoo nga na may naganap na sabotahe dahil may naglagay ng lason sa mga lambanog na ininom, bakit hindi ang illegal drugs at shabu ang lagyan ng lason?

Baka sakaling matakot ang guma­gamit ng mga ipinagbabawal na gamot kapag marami ang namatay tulad ng mga uminom ng lambanog na nakalalason.

Napansin ko kasi na parang wala pa ring takot sa tokhang ang mga drug pusher at drug addict na nakulong na nga pero bumalik pa rin sa kanilang masasamang bisyo.

Baka mas matakot sila kung mangyayari sa kanila ang naranasan ng mga uminom ng lambanog na dead agad. Malay natin, baka matakot sila na bumili at magbenta ng illegal drugs.

Biglang pumasok sa isip ko ang news tungkol sa mga nalason dahil sa pag-inom ng lambanog at sa mga drug addict nang mapanood ko sa isang news program ang batang babae na ni-rape at pinatay, ang bagong panganak na iniwan sa damuhan at ang mga krimen na gagawin lamang ng isang baliw na gumagamit ng drugs.

Kung sinuman ang nag-isip na maglagay ng lason sa lambanog, mas maganda siguro na ang drugs na nahuli at nire-resell umano ng mga sindikato ng droga ang lagyan ng nakamamatay na ingredients.

In that way, we can instill fear sa ­users, buyers at matatakot din ang pushers. Baka ito ang maging magandang way to eradicate drugs, lagyan natin sila ng takot.

Mark Anthony hindi nakilala sa Miracle…

Hindi nababanggit ang pangalan ng aking ina­anak na si Mark Anthony Fernandez pero may special participation siya sa Miracle In Cell No.7 bilang lider ng mga preso na kaaway ng grupo ni Joel Torre.

Nagulat ang moviegoers dahil hindi nila inaasahan na may cameo appearance si Mark na pinaitim ang itsura para sa karakter na ginampanan niya.

Contract star si Mark ng Viva Artists Agency at sana nga, magtuluy-tuloy na ang pagiging active niya sa paggawa ng pelikula.

Isa si Mark sa mga mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon at nakapanghihinayang kung hindi makikita ng publiko ang acting abi­lity niya.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with