^

Pang Movies

Karla hinihintay kung ikakasal sa 2020

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Karla hinihintay kung ikakasal sa 2020
Karla

On the other hand, wish ng mga kaibigan ni Karla Estrada na wedding bells finally will ring for her sa 2020. It looks like nga kasi na seryoso na ang relasyon nila ng boyfriend na si Jam Ignacio.

If, indeed, ikinasal si Karla kay Jam, it will be Karla’s first wedding. She has never married to any of her four children’s father kasi.

Happily for Karla, among her children, including her panganay, Daniel Padilla, has no objection kung halimbawang mag-asawa nga siya.

Halata ring maganda ang relasyon ni Jam sa anak na babae ni Karla na si Magui na anak ng former Quezon City politician na si Mike Planas.

Magkasabay na nag-guest sa Magandang Buhay nina Karla, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sina Jam at Magui.

Samantala, star material si Magui. Tall, pretty and sexy. She appears not keen on showbiz career, though.

She is studying sa Ateneo De Manila University at kasali sa volleyball team.

Julia hindi pa naka-move on kina Bea at Gerald

Naapektuhan pala talaga ng matindi si Julia Barretto sa bintang na siya ang sanhi ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, na labis niyang itinatanggi.

Wala raw kakaibang namagitan sa kanilang dalawa ni Gerald, kahit na ginawa nila noon ang pelikulang Between Maybes sa Japan.

Kung nagkaroon man daw sila ng relasyon, ito ay ang pagiging magkatrabaho lang. Kumbaga purely professional.

Ngayon nga raw ay nakakaramdam siya ng takot na baka bigyan na naman daw ng kulay ang closeness nila ng katrabahong si Tony Labrusca sa iWant series na I Am You.

Friends lang daw sila, period.

Pia at Catriona nakaranas ding maging malamig ang Pasko

Parehong malamig ang Pasko nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurztbach.

Common knowledge na hiwalay na si Catriona sa ex-boyfriend niyang si Clint Bondad at si Pia rin sa ex-boyfriend namang si Marlon Stockinger.

It looks like sa darating na Bagong Taon ay mananatiling malamig ang pagsalubong nila sa 2020.

Even beauty queens pala Salve A., ay nakakaranas ding maging loveless.

Well.

Tony gusto uling maka-trabaho sina Vice and Anne

Speaking of Tony, happy siya sa report na number one sa box-office among the entries sa ongoing Metro Manila Film Festival 2019, ang pelikula nila nina Vice Ganda at Anne Curtis na The Mall, The Merrier.

Ang nasabing pelikula ang naging daan para mapasama siya sa una niyang MMFF movie na idinirek ni Direk Barry Gonzales.

Hindi na nga raw siya makapaghintay na makatrabaho uli sina Anne, Vice at Direk Barry.

May bagong pelikulang sisimulan si Tony kung saan kasama niya sina Kim Chiu at JM de Guzman.

Wala pang tiyak na detalye ang project, but the idea na makakasama niya ang dalawa sa pelikula ay ikina-e-excite niya.

Personal…

Allow me Salve A., to thank some people who made my Christmas this year extra fulfilling.

To Senator Bong Revilla, for the blessing he gifted me with, which I was able to share with others.

To Peachy Guioguio and team HBO Asia (a Warner Media Company) for the gift basket.

To TBA Studio for thier personalized notebook and pen.

To Dahl and James, BDO Recto for the imported wine plus sitsirya. And to Tourism Secretary Berna Puyat, for the box of chocolates which she sent too for a gift to Salve Asis, Ian Fariñas, Dolor Guevarra, Len Llanes at Joe Barrameda.

To all of them, may your New Year be blessed. (Thank you Sec. Berna. Merry Christmas. – Salve A.)

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with