^

Pang Movies

Sharon, Kim pinakita ang sobrang pagmamahal sa pamilya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sharon, Kim pinakita ang sobrang pagmamahal sa pamilya

Damang-dama ang pagmamahal ng mga artista sa kanilang pamilya nu’ng Bisperas ng Pasko, December 24. Kanya-kanya sila ng display sa kanilang social media account ng litrato nila kasama ang pamilya.

Kumpleto ang pamilya ni Sharon Cuneta. Todo ngiti ang lahat - Senator Kiko Pangilinan, KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel sa litrato na pinost ng megastar sa Instagrams.

Take note, umuwi from New York si Frankie para makasama ang pamilya, huh!

Family forever naman ang post ni Kim Chiu.

“Christmas brings family and friends together. It helps us appreciate the love in our lives that we often take granted. May the true meaning of holiday season fill your heart and home with many blessings and appreciate the love of family and friends.

“Noche Buena!!! Happy birthday papa Jesus!” caption ni Kim.

Si Sunshine Cruz, kasama ang tatlong anak na babae minus her boyfriend Macky Mathay.

Malaking pamilya naman ang litrato na pinost ni Ogie Alcasid dahil kasama rin ang pamilya ni Regine Velasquez.

Si Vic Sotto, ang mag-inang Pauleen Luna-Sotto at anak na si Tali ang kasalo sa Noche Buena.

Today, back to reality na ang lahat except for Bossing and Poleng dahil sa January 1 na ang live episode ng Eat Bulaga.

Ang mahalaga, kahit abala ang mga artista sa buong taon, dama pa rin sa kanila ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya!

Ang Bagong Taon naman ang harapin natin na puno ng pagmamahal at pag-asa!

vuukle comment

KC CONCEPCION

KIKO PANGILINAN

SHARON CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with