^

Pang Movies

Bosses ng Kapamilya, nagbigay ng oras!

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Noong Huwebes ng gabi ay malugod na sinalubong kami ng production staff ng ABS-CBN sa kanilang Christmas party upon instruction ng very good friend namin na si Cory Vidanes para kantahan sila ng PMPC Christmas carollers sa pamumuno ng aming Pangulo na si Sandy Mariano. Super asikaso kami na binigyan kami ng sariling standby area with matching food and drinks na talaga namang overflowing.

After namin silang kantahan ay umakyat sa stage ang very warm na big boss ng ABS-CBN na si Cory Vidanes kasama ang mga executive nila na sina Deo Endrinal, Lauren Dyogi at Direk Ruel Bayani para isa isang pagbati sa lahat ng Merry Christmas.

Nakakadala ng puso ang mga ganyan na nagbibigay importansiya sa aming kasamahan sa panulat.

Sana magtuluy-tuloy ang mga ganitong pagpaparamdam kung gaano ka importansiya sa kanila ang mga naitutulong ng press people kagaya namin.

Mabuhay kayo at Merry Christmas sa lahat.

Alden na-excite sa motor

Nai-deliver na namin ang pinaka-aantay-antay na motorsiklo ni Alden Richards. Nakiusap siya na doon sa taping location ng The Gift namin ito dalhin since wala siya sa bahay nila.

Gaya ng inaasahan ay hindi magkandatuto si Alden nang makita niya ang pinakamimithi niyang Honda Scooter. Para siyang bata na sakay ng motor na ikot nang ikot sa area na agad niyang sinubukan. Kung wala lang taping sa mga oras na iyon malamang nakalayo na ito. Ito daw ang pinakamalaki at mahalagang Christmas at birthday gift niya sa sarili.

vuukle comment

CORY VIDANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with