^

Pang Movies

Mga Marcos ‘di nakakalimot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Surely, Salve, magkakaroon na naman ng reaction kapag nalaman ng mga basher ko na yearly, tuwing birthday at Pasko, may small things na ipinadadala sa akin sina Bongbong at Imee Marcos.

Noong panahon pa ni Inday Badiday, nasa master list na ang name ko sa mga pinadadalhan nila ng gifts. ‘Di ba nga, ‘yung isa pinamana ko na sa iyo dahil mas bagay at mas carry mo?

Kaya nga kahit noong naging close ako kay Kris Aquino, hindi ko itinago na love ko ang mga Marcos lalo na nang bumalik si Bongbong na poging-pogi mula sa London, fangirling talaga ako.

Touching sa akin na nakakatanggap ako ng sukang Ilocos, bagnet, cornic mula kina Bongbong at Liza at mga perfume at iba’t ibang items naman galing kay Imee.

Hay naku, ang pagiging social climber ko, talagang umiral dahil poor Ilocano ang nanay ko from Vigan kaya big deal sa kanya ang mga Singson, Crisologo at Marcos.

Kung buhay pa ang mother ko, sure ako na itatago niya ang mga card na kasama ng regalo ng mga Marcos dahil nga basta Ilokano, solid Marcos.

Thank you po, Senator Imee and Bongbong for always remembering. Thank you talaga.

CDO ham, sure na walang ASF

Ang CDO ham na bigay ni Rose, Salve very timely dahil pang-Christmas talaga at sabi nga ni Dimples Romana, walang African Swine Fever dahil talagang monitored ang ginamit na karne para sa ham.

Masarap siya at mura lang kaya naman number one yata sa market ngayon ang CDO ham. Unbeatable talaga kapag kilala at nasubukan na ng lahat ang  product kaya naman si Rose, ang yabang mamigay ng CDO ham dahil magugustuhan ng sinuman  na bigyan niya. Kapag ham, CDO talaga, wala nang iba.

Coco nagparada sa Maynila

Tuwang-tuwa raw ang mga Manileño dahil kahit hindi sila nakapunta sa Taguig City noong Linggo para sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival, sila naman ang personal na sinadya nina Coco Martin at AiAi Delas Alas, ang mga artista ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Itsurang nagkaroon daw ng sariling parada ang cast ng filmfest entry ni Coco dahil nag-motorcade sila sa Maynila, kasama ang mayor na si Isko Moreno na may cameo appearance sa 3Pol Trobol.

May mga naghanap nga raw kay Jennylyn Mercado pero nagpasabi ito na hindi makararating dahil nilagnat siya noong Linggo nang gabi.

Napagod yata si Jennylyn sa sobrang init ng panahon sa Parade of Stars sa Taguig City kaya bumigay ang katawan niya.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with