Julia, supported GF ang peg kay Coco!
Araw-araw kung mag-promote
Todo-promote si Julia Montes ng Metro Manila Film Festival 2019 entry ni Coco Martin na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon as in araw-araw ay may post siya sa kanyang Instagram account na tila nagka-countdown.
Mistulang supportive girlfriend talaga si Julia ni Coco na talaga namang walang kapagud-pagod mag-promote ng 3Pol Trobol.
Kahapon ay ipinost naman niya ang larawan ni Coco as Paloma na kuha mula sa MMFF parade na ginanap kahapon.
Hindi active si Julia sa showbiz ngayon at maging sa socmed ay bihira siyang mag-post. Pero super-active siya ngayon sa pagpu-post para lang makapag-promote ng movie ni Coco.
You don’t do that sa isang best friend lang, di ba naman?
Speaking of Coco, ayon sa aktor, bata pa lang siya ay pangarap na niya na makagawa ng pelikula sa Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre. Lumaki siyang nanonood ng MMFF movie kaya naman pinangarap niya na someday ay makasali rin siya rito.
Matatandaang muntik na silang hindi makapasok this year dahil nga sa unang apat na napili ay hindi nakasama ang script ng 3Pol Trobol dahil dalawa na ang comedy na napili.
Originally ay romance-comedy sana ang konsepto movie niya, pero dahil nga dalawa na ang comedy genre at action na raw ang kailangan, iniba ni Coco ang konsepto at ginawang action ang 3Pol Trobol.
Glaiza todo rehearse sa bagong show
All-out at beyond excited ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa papalapit na airing ng newest musical-variety program ng GMA tuwing Linggo na All-Out Sunday.
Ayon pa kay Glaiza ay ibinibigay daw talaga ng lahat ang kanilang makakaya kahit na rehearsals pa lamang.
“Rehearsals pa lang kami pero all-out talaga. Hindi lang siya basta-basta. Ginagawa namin ‘yung best namin kasi we want everything as smooth as possible since we’re doing this for the first time. Inaaral talaga namin. Super excited kami sa kalalabasan kasi nakikita namin ‘yung effort ng bawat isa,” sabi ni Glaiza.
Samantala, kapwa excited at curious din ang mga Kapuso sa mga pasabog at panibagong pakulo ng pinakabagong kaaaliwan tuwing Linggo, ang All-Out Sunday, na eere na sa January 5, 2020 sa GMA Sunday Grande.
- Latest