^

Pang Movies

Kiray nakawala na sa SMC, nilantad na ang tinatagong dyowa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kiray nakawala na sa SMC, nilantad na ang tinatagong dyowa!
Kiray

Nilantad na ni Kiray Celis ang kanyang non-showbiz boyfriend sa kanyang social media accounts.

Ayon sa caption ni Kiray, two months pa lang sila ng kanyang boyfriend.

Kung noong una ay in black and white at medyo malabo pa ang photo na kasama nito ang kanyang nababalitang boyfriend. Ngayon ay in full color na at kitang-kita ang mukha ng guwapo niyang boylet.

Nagbabakasyon sa Baguio si Kiray kasama ang kanyang boyfriend at ito ang nilagay niyang caption:

“You can be in a relationship for two years and feel nothing. You can be in a relationship for 2 months and feel everything. Time is not a measure of quality, of infatuation or of love.”

Hindi na nga kasama si Kiray sa mga SMC o Samahan ng Malalamig ang Christmas dahil sobrang init ang Pasko niya dahil sa kanyang current relationship.

“Ang sarap siguro mahalin ng tamang tao. Wala sigurong mali sa tamang oras. Wala sigurong sayang na effort sa taong nakakaappreciate. Wala sigurong selos at away kung wala siyang ginagawang mali. Ang saya sigurong ipagsigawan sa buong mundo kung sinong mahal mo kung proud din siya sayo. Masarap siguro titigan yung taong sayo lang din naka tingin. Halos lahat ng bagay walang KASIGURADUHAN. Pero naka depende sa tao kung paano niya maipapakita at maipaparamdam,” post ni Kiray sa isa pang post.

Glaiza pasok sa Ayos

Kasama sa bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7 na All-Out Sunday or #AyOS ang Luna Award best actress na si Glaiza de Castro.

Binabalikan nga ni Glaiza ang kanyang first love which is singing at iyon ang kanyang ipapakita sa #AyOS.

Nagtapos si Glaiza ng isang music production course sa London at gusto niyang i-apply ang mga natutunan niya sa show.

“Rehearsals pa lang kami pero all-out talaga. Hindi lang siya basta-basta.

“Ginagawa namin ‘yung best namin kasi we want everything as smooth as possible since we’re doing this for the first time.

“Inaaral talaga namin. Super excited kami sa kalalabasan kasi nakikita namin ‘yung effort ng bawat isa,” sey ni Glaiza.

Sa January 5, 2020 na ang simula ng #AyOS na pinalitan ang Sunday PinaSaya.

Ilang Hollywood celebrities nagbunyi sa impeachment ni Donald Trump!

Tila nagbunyi pa ang maraming Hollywood celebrities sa pagkaka-impeached ni US President Donald Trump.

Si Trump ang ikatlong president in United States history to be impeached after the House of Representatives voted to impeach him for high crimes and misdemeanors.

In a 230 to 197 vote, the House accused Trump of “betraying the country for his own political benefit and recommending the Senate remove him from office.”

Marami celebrities ang anti-Trump at wala silang takot na i-express ang kanilang hindi nagugustuhan via social media.

Since lumabas ang balita na na-impeached na si Trump noong December 18, sunud-sunod ang post tungkol sa pinakahihintay ng marami na mangyari.

Tweet ni Alyssa Milano: “I expected this moment but I expected to be more joyful. Maybe jump up & do a happy dance. Maybe. But I’m just sad and heartbroken. What he’s left behind can’t be erased with this vote. The bigotry and xenophobia he’s emboldened. The lies. It will take generations to recover.”

Ang very vocal na si Bette Midler ay nai-tweet lang ang word na “Impeached.”

Ang actor-film director na si Rob Reiner ay pinost ito: “This President is not being Impeached because he’s a liar or immoral or a misogynist or a white nationalist or incompetent or ignorant. He’s being Impeached because he committed the High Crimes of Abuse of Power & Obstruction of Congress.”

Ang Riverdale star naman na si Cole Sprouse ay nakakatuwa ang tweet: “Sleeeeep im-heavenly-peaaaachhhhh. SLEEeep im-heavenlllly-peachhhh. #happyholidays2019

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with