^

Pang Movies

Janine nabugbog sa OMG!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Janine nabugbog sa OMG!
Janine

Bugbog si Janine Gutierrez dahil lamang sa kanyang comment na “OMG” sa balitang magbabalik na sa mainstream television ang senador at actor na si Bong Revilla. Nag-react din kasi pati ang dating fans ng senador.

Wala kaming kinakampihan sa issue na ito dahil sabihin na nating parehong kampo naman ang kaibigan din natin, pero naniniwala kami na kung ganoon nga ang opinion ni Janine, opinion lang niyang personal iyon. Ang kaibahan nga lang siguro, nai-post niya sa social media, na ginagawa rin naman ng iba. Ang isa pa nga sigurong kaibahan, kasi artista siya at nagkataon na nasa iisang network sila.

Siyempre inaasahang pareho sila ng network, susuportahan ni Janine iyon. Pero ang bawat tao may sariling opinion at paniniwala na hindi rin naman natin maiaalis kay Janine.

Ang tamang reaksiyon diyan, kung nagbigay man siya ng opinion na hindi nga siguro nagustuhan ng followers ni Bong, hayaan nila ang tao na humusga kung ano ang reaksyon naman nila sa naging comment ni Janine.

Baka kung biglang mag-rate nang mas mataas ang gagawing programa ni Bong, talagang masabi ninyong “omg”, at iba na ang tono noon.

Malaking kaibahan din iyong ang salita ay nabasa lamang, kaysa sa narinig nang personal. Iyong comment na “omg” ay puwede ngang pagkadismaya at puwede ring pagkagulat na may tuwa dahil papasok ang isang posibleng top rater. Kaya nga teka muna, alamin natin kung papaano iyon sinabi ni Janine.

Siguro kung sa tingin natin unfair ang comment na iyon ni Janine, hindi ba masasabi ring unfair na basta na lang natin siya husgahan dahil sa kanyang personal na opinion? Hintayin natin kung ano ang magiging reaksiyon ng publiko sa mga bagay na iyan.

Maine hindi bikini figure!

Hindi namin alam kung bahagi iyon o kuha sa eksena sa festival movie niyang Mission Unstapabol, pero marami ang nagulat nang bigla na lang may lumabas na picture si Maine Mendoza na naka-bikini. May nagsasabi nga, hindi naman summer.

Ito ay opinion lang namin ha, sabihin mo mang summer, o kahit na nga ngayong malamig na ang panahon, palagay namin hindi bagay kay Maine ang naka-bikini. Kasi kung titingnan mo, hindi mo naman masasabing ang katawan niya ay may “bikini figure”.

Ikalawa, baka naman hindi iyon ang hinahanap ng mga fans niya o ng market ng pelikula niya?

Ex-actor na nagbago ng lifestyle, hindi na basta-basta makakain dahil walang datung

Kung anu-anong sideline na ang pinasok ng isang dating male star. Nag-model, promodizer na siya ng cellphone, gumanap na siyang characters sa malls, nag-pose na rin siya bilang model sa artists at ibig sabihin nude iyon. Kailangan niyang gawing lahat para mabuhay. At minsan alam na ninyo.

Iyan ang sinasabi namin eh, kung hindi siya nag-artista maaari siyang magtrabaho kahit na saan, pero dahil nag-artista nga siya, hindi siya makapasok sa simpleng trabaho. Nabago ang kanyang lifestyle. Hindi na siya puwedeng sumakay ng jeep o kumain sa karinderya. Mas humirap ang kanyang buhay kaya kung anu-anong sideline na ang napasok niya “basta hindi illegal” sabi lang niya.

Kaya nga iyang mga may ambisyon, mag-isip muna kayo. Hindi lahat ng nag-artista sumikat at yumaman. Hindi sapat iyong pogi o maganda kayo. Mag-isip kayo bago ninyo baguhin ang buhay ninyo.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with