^

Pang Movies

Sa outlets nag-shopping Kris marunong nang magtipid?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sa outlets nag-shopping Kris marunong nang magtipid?!
Kris

Kahapon ay tinanong ko si Mary Ann Opeña kung saan galing si Kris Aquino nang dumalaw ito sa bahay nila sa Corona, California?

“Nag-Cabazon Outlets sila (lugar kung saang maraming mga shop na mas mura ang presyo compared sa malls). Namili sila nina Josh and Bimby at saka dumaan sa bahay namin dahil malapit lang naman ang Cabazon,” sey ni Tita Mary Ann.

Hindi nga raw nakapagluto si Tita Mary Ann ng favorite ni Kris na roasted beef at hindi rin siya nakagawa ng macaroni salad.

“Biglaan lang ‘yon, pero igagawa ko si Kris, pati sina Josh at Bimby,” sey ni Tita Mary Ann.

Malapit si Tita Mary Ann kay Kris at pareho silang maga­ling magluto.

Actually, sa hilig at galing magluto ni Kris ay marami siyang mga pinamili na gamit sa kusina nang magpunta siya sa Cabazon.

In fairness to Kris, puwede siyang mamili sa high-end malls sa Amerika, pero nagpupunta pa rin siya sa outlets para mas makamura.

Wais at matipid si Kris sa pamimili kahit pa nga sabihing she can really afford, huh!

Nakakabilib si Kris, right, Ateng Salve?

May tama ka!

Gutierrez family kumpleto sa Pasko

So, complete ang Gutierrez family sa Christmas eve sa “ancestral house” nila sa White Plains dahil finally ay darating ng Philippines bukas si Raymond Gutierrez.

Binalak kasi ni Raymond na sa December 29 na umalis ng Los Angeles, California, pero New Year’s eve na raw ang dating niya ng bansa at mangangarag na para sa party ng The Palace, kaya back to original plan siya na Sunday ang alis ng L.A. at Monday evening ay nasa bansa na.

Siyempre, na-happy si Annabelle Rama na magkakasama silang lahat ng Christmas eve.

“Tradition na rin namin ‘yon na lahat sila nagpupunta sa bahay, ‘tapos the next day, sa Cavite naman kami sa bahay ng sister ni Eduardo (Eddie Gutierrez) na si Mary Ann. Doon kami ng Christmas day. Then, manonood na kami ng Metro Manila Film Festival entry na gusto namin.

“Last year, nanood muna kami ng Fantastica at saka kami nag-Cavite.

“On Christmas day naman, maghahatid muna ako kina Chard (Richard Gutierrez), Sarah (Lahbati) at Zion dahil pa-L.A. sila at saka kami manonood ng movie nina Vice (Ganda) at Anne (Curtis) at saka kami pupunta ng Cavite,” sey ni Bisaya.

Oh, well, masaya talaga ang magkakasama ang magkakapamilya kapag Christmas!

Gloria Diaz inaabangan sa Beauty Queens

In full swing ang shooting ng iWant original movie na Beauty Queens.

Si Gloria Diaz ang pinakabida sa digital movie na ‘yon ni Direk Joel Lamangan.

Actually, naging very interesting lalo ang Beauty Queens dahil sa ating first Miss Universe (1969).

Alam mo, Ateng Salve, aabangan ko talaga sa iWant ang original movie na ‘yon dahil kay Tita Gloria.

Favorite actress ko ang nanay ni Isabelle Daza.

Like na like ko siya sa Unbreakable movie.

Ang galing-galing niyang umarte at very witty pa na nakakatuwa ang dating, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with