^

Pang Movies

Joyce nag-angkas para makaabot sa raket

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Joyce nag-angkas para makaabot sa raket
Joyce

Hindi na-spare ang maraming celebrities sa grabeng Holiday traffic ngayon. Lalo na ‘yung rumaraket bilang hosts sa sunud-sunod na Christmas parties.

Perfect example ay ang malapit nang ikasal na si Joyce Pring na kinailangang mag-hire ng Angkas para makarating siya sa isang Christmas party sa Ortigas Center kung saan siya ang host.

Pinost nga ni Joyce ang hitsura niya habang naka-helmet sakay ng Angkas, kesehodang naka-dress pa siya with matching high heels.

“This is how I looked while riding a motorcycle to work yesterday.

“TWO AND A HALF HOURS from Makati to Ortigas. I left the house thinking it’d take me max 1 1/2 hr to get to my event, but lo and behold, I had been in the car for 30mins and the traffic was NOT MOVING.

“So I got out of my car, booked for an Angkas, took off my heels, put on some pants on top of my dress, and rode at the back of the kuya who brought me to work ON TIME. What a life we are living, Manila traffic!!!” ang kuwento ni Joyce sa kanyang IG account.

Mga naka-trabaho ni Cesar, nagluluksa pa

Nalibing na ang labi ng GMA broadcast journalist na si Cesar Apolinario at maraming mga nakatrabaho at kaibigan ni Direk Cesar ang sobrang apektado sa biglang pagpanaw niya dahil sa sakit na stage 4 lymphoma cancer.

Kabilang sa mga nalungkot sa pagpanaw ni Direk Cesar ay ang kasamahan nito sa GMA News and Public Affairs na si Aubrey Carampel-Aricheta at ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Huling nakasama ng 24 Oras Chika Minute correspondent na si Aub­rey si Direk Cesar noong nag-shoot sila ng Christmas station ID. Hindi niya alam na iyon na pala ang huling pagkakataon na magkakasama sila.

Si Barbie naman ay unang nabigyan ng acting award dahil sa pagdirek sa kanya ni Direk Cesar sa una nitong pelikula na may titulong Puntod. Nagpasalamat si Barbie kay Direk Cesar sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram ng photo nilang dalawa noong panahon na nagsu-shooting sila ng pelikula noong 2009.

Pagkalalaki ni Jason Derulo tinanggal ng Instagram

Ni-reveal ng singer na si Jason Derulo na binura via photoshop ang kanyang nagmumurang bukol habang suot niya ang costume para sa film version ng hit Broadway musical na Cats.

Naikuwento ito ni Derulo habang nasa promotional tour siya ng naturang musical film kung saan co-stars niya sina Taylor Swift, Jennifer Hudson, Dame Judi Dench, Rebel Wilson, Idris Elba and James Corden.

Sa kanyang interview sa SiriusXM radio show with Andy Cohen, napag-usapan ang size ng kanyang pagkalalake dahil sa pinost niya sa Instagram kung saan suot lang niya ay isang tight swimsuit at kitang-kita ang naghuhumindig na bukol niya na parang anaconda.

Doon na tinanong ni Cohen si Derulo kung paano siya nakapag-shoot ng Cats suot ang tights?

Sagot ng singer:“CGI’d the d*** out? Yeah, they did CGI the penis out. I noticed that. It was actually hilarious, Rebel Wilson was talking about it on and on on a show we were on. She was like, yeah man, we were all naked. Yeah I was around that for four months!’

Yung pinost na photo ni Derulo na naka-tight swimsuit sa Instagram ay tinanggal for going against Instagram guidelines.

 

vuukle comment

JOYCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with