^

Pang Movies

Celebrity nanumbat ng mga kaibigan na hindi sumipot sa kanyang event

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang Christmas party ng isang grupo ng magkakaibigan na involved ang ilang mga taga-showbiz at society world.

Nasa party na ‘yon ang isang celebrity na “nanumbat” sa ilang mga kasama sa circle na ‘yon nang hindi sila mag-attend sa isang event niya dahil may katapat din na event   na mas naunang nag-imbita sa kanila.

May tinanong ako tungkol doon at ayos-ayos na raw.

Kinalimutan na raw ng mga kaibigan niya ang “panunumbat” sa kanila ni celebrity.

“Fresh new start for the New Year, kaya bati-bati na. Kinalimutan na ‘yung panunumbat niya kasi mabait naman din siya,” sey ng isang nakausap ko.

Wow, at least, bago mag-2020, nagkaayos-ayos sila, huh!

I’m sure rin, hindi na uulitin ni celebrity ang ginawa niyang panunumbat sa mga kaibigan dahil sa “pagkatalo” niya sa isang event na tinapatan niya!

Ang bongga!

Christmas season panahon ng pagkakabati-bati

Alam mo, Ateng Salve, masaya rin na nagkakabati-bati kapag ganitong season.

At least, maluwag sa kalooban kapag hindi ka nagdadala ng galit sa kapwa ko.

Kapag nakita ko ang fiancé ng isang aktres, magpapaka-angel ako at ako na ang unang babati sa kanya kahit sinabihan niya ako ng, “Huwag mo na nga akong isinusulat sa mga tabloid!”

Nairita talaga ako sa taong ‘yon, kaya naman never ko na siyang isinulat pa!

Pero dahil magki-Christmas na, kapag nakita ko siya, ako ang unang babati sa kanya lalo na at love ko pa naman ang aktres na fiancé niya.

Hindi ko na rin siya tatanungin pa kung joke lang ba ang dialogue niyang ‘yon lalo na at nakaka-hurt ‘yon sa mga katulad ko na nagsusulat sa mga tabloid, huh!

Raymond may big event sa Bagong Taon

Definite pala na babalik for New Year’s eve si Raymond Gutierrez dahil may event sila sa The Palace, ang club kung saan ay isa siya sa owners.

Big event daw ‘yon, kaya hindi puwedeng wala siya.

Sa ngayon, iniisip pa niya kung mahihintay ba niya sa Los Angeles, California ang twin-brother niyang si Richard Gutierrez na kasamang darating doon nina Sarah Lahbati at Zion on Christmas day.

“I might wait for them. Trying to rebook ng flight back to Manila, pero hindi ko pa nasasabi kay Mom (Annabelle Rama) kasi hindi pa sure,” sabi ni Raymond nang makausap ko ng bandang 6:00PM kahapon.

Sayang, kadalasan ng mga nagpupunta sa The Palace ay medyo bata-bata pa, kaya ako, sa Solaire magnu-New Year’s eve kasama ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle.

May reservation na kasi doon ang mag-asawa at nakapag-yes na ako sa kanila.

Sa Solaire rin kasi ang New Year’s eve show nina Martin Nievera at Pops Fernandez at karamihan ng friends namin ay pupunta sa lugar na ‘yon.

Actually, parehong IN place ang The Palace at Solaire kapag New Year’s eve, kaya ang gandang pumunta sa mga nasabing lugar.

Ikaw, Ateng Salve, saan mo type salubungin ang 2020?

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with