^

Pang Movies

Aktor namimili lang ng tinutulungan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Selective lang daw ang pagiging generous ng isang sikat na aktor ayon sa nakakakilala sa kanya.

Kumbaga, hindi lahat ng humihingi ng tulong sa kanya eh, naaabutan niya, huh!

Taon ang binibilang ng aktor sa naging kasama niya sa trabaho bago bigyan ng tulong. Kapag bago ka pa lang niyang katrabaho, dedma muna siya. You should earn his trust bago siya magpaluwal.

Eh lalo na ngayong may asawa na ang aktor, hindi basta-basta siya nagpapaluwal sa humihingi ng tulong sa kanya. Hindi ka man mabigyan ng pera, sa ibang paraan naman siya tumutulong.

Aktor dedma na sa hirit na raffle matapos mamudmod ng mumurahing cellphones!

Dedma naman ang isang sikat na aktor nang hilingan pa siya ng dagdag na pa-raffle ng ilang kaibigan.

Chika ng isa sa kaibigan ng aktor, tuwing may okasyon ang isang kaibigan, kadalasan ay galante raw ang aktor.

Pero nang magkaroon ng reunion ang ilang kamag-anak niya hiningan siya ng pampa-raffle para sumaya ang mga dumalo.

Naging ready naman ang aktor at nagpakuha ng cellphones sa sasakyan. Pero cheap na cellphones ang ipinamigay niya.

Nang makantiyawan, dedma na lang siya’t nagbisi-bisihan sa dalang gadget!

Biro tuloy ng ilan sa dumalo, “Baka malaki ang gastos sa pinagagawang bahay ng friend! Ha! Ha! Ha!”

vuukle comment

RAFFLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with