^

Pang Movies

Bagong GMA shows ipinasilip

Nora Calderon - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinasilip na ng GMA Network, sa pagsisimula ng Bagong Dekada, sa pagdiriwang nila ng ika-70th anniversary, ang mga upcoming shows and teleserye nila for 2020.

Nanguna sa ipinakita nila sa 24 Oras last Monday evening, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado with Jasmine Curtis Smith at Rocco Nacino.

First time namang magsasama sina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Si Waray Vs. Anak ni Biday kasama sina Dina Bonnevie at Snooky Serna as their respective mothers.

Muling magtatambal ang real life sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Love of My Life with Rhian Ramos, Mikael Daez at Coney Reyes, sa Afternoon Prime.

Si Marian Rivera ang First Yaya sa first time nilang pagtatambal ni Gabby Concepcion. 

Balik-showbiz na rin si Senator Bong Revilla at mapapanood siya sa primetime telebabad every Sunday sa Agimat ni Agila.

Malvar ni Pacman, shelved na!

Sa thanksgiving lunch ni Senator Lito Lapid, na nagkaroon din siya ng reunion sa mga press na nakasama na niya simula nang pumasok siya sa showbiz, una na ay ang kanyang discoverer at mentor, si Jesse Chua ng dating Mirick Productions at ang kanyang first PRO na si Letty Celi.  Masaya rin si Letty na muling makita si Jesse Chua at si Sen. Lito dahil kasalukuyan pa siyang nagpapagamot sa ilang karamdaman niya at ang pagpapaopera niya ng kanyang eye cataract.

Isa sa nabanggit ni Sen. Lito at ng anak niyang si Mark Lapid ay ang balak nilang paggawa ng isang movie. 

Sana ay matuloy ito at hindi matulad sa binalak na gawing movie ang buhay ng isang hero na si General Malvar.  Balita ay shelved na ito matapos magpa-audition ng mga artistang bubuo sa movie, matapos malaman na wala naman palang pera ang producer.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with