^

Pang Movies

Coco hindi mapilit sa pulitika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagulat si Sen. Lito Lapid sa rami ng TV camera sa Christmas treat niya sa entertainment press. Hindi naman daw presscon ‘yun, Christmas party daw kaya walang interview, pero hindi nagpapigil ang mga reporter na nagtanong din at sinagot naman nito.

Sabi nito, kayang-kaya ni Coco Martin na pumasok sa pulitika at kumandidato kahit sa Senado at mananalo dahil mahal siya ng tao, may karisma, mabait, matulungin at may pera. Pero, ayaw daw nitong magpulitika.

Dagdag pa ni Sen. Lito, ang daming natutulungan ni Coco out and inside showbiz, binibigyan nito ng chance ang mga dating artista na nangangailangan ng trabaho at mga artistang may problema (hindi na siya nag-ela­borate). Mas marami pa raw itong matutulungan ‘pag nagpulitika.

May binanggit na pelikula si Sen. Lito na pagsasamahan nila nina Sen. Bong Revilla at Manny Pacquiao at si Manny pa nga ang producer. Nag-commit na raw si Bong at balita niya, pumayag na rin si Robin Padilla. Kasama rin sa cast sina Phillip Salvador, Coco na gusto ni Sen. Lito, magdirek ng movie nila na mala-The Expendables.

Aktor na nagpabaya sa sarili, kinalasan na ng asawang aktres

Tanong ng netizens kung hiwalay na ang showbiz couple na naging controversial noong nililigawan pa lang ng aktor ang misis na nag-artista rin. Hindi na kasi gamit ng misis ng aktor ang kanyang apilyedo sa kanyang social media account.

Tapos, nag-react pa si misis sa post ng ex-GF ng kapatid ng kanyang mister sa pambababae nito.

Sabi ng netizens, hindi nila masisisi ang misis ng aktor kung hiniwalayan na nito ang aktor. Oo nga’t may trabaho ang aktor at hindi pinababayaan ang pamilya, ang sarili naman nito ang pinabayaan.

Ang taba na ng aktor, ang laki ng tiyan sa kawalan ng exercise at hindi pagkikilos at isama na rin ang hindi pagda-diet sa pagkain. Kapag nagtabi sila ng kanyang asawa, magmumukha silang mag-ama dahil si misis, napanatili ang pagiging slim.

Glaiza uunahin ang trabaho sa Pasko kesa dyowa

Dalawang shows ang sisimulan ni Glaiza de Castro sa GMA-7 na parehong for airing next year.

Kasama si Glaiza sa bagong Sunday musical show na All Out Sunday at isa rin siya sa mga bida sa bagong Afternoon Prime na The Seed of Love. Kasama niya rito sina Mike Tan at Valerie Concepcion to be directed by Ricky Davao. Sa December 19, na ang storycon nito at baka next year na simulan ang taping.

Ang dalawang trabaho ang rason kung bakit hindi magkakasama this Holiday Season sina Glaiza at Irish BF niyang si David Rainey, magtatrabaho muna ang aktres at after the Holiday na lang daw magkikita ang dalawa.

Ang sabi, pupunta muli ng Pilipinas si David.

Mabuti pala at hindi na natuloy ang paglipat ni Glaiza sa ibang network. Ang ganda ng offer sa kanya na mukha namang tinapatan ng GMA-7.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with