^

Pang Movies

Heart marunong na raw mag-budget!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart marunong na raw mag-budget!
Heart

Preggy looking si Heart Evangelista sa kanyang post kahapon na nakasuot ng dress ng Kamiseta.

As in aakalain mo talagang buntis na ang actress though sa kanyang ibang post naman ay super flat ang tummy niya.

Ang caption niya pa sa nasabing preggy looking photo, pino-promote niya ang Adulting 101 video habang tinuturuan daw siya ng mister na si Gov. Chiz Escudero na maging financially responsible siya.

Kuwento nga kasi ng isang malapit kay Heart, marunong na raw talagang mag-budget si Heart ngayon hindi katulad noon na pati ang paggawa ng deposit slip at checks ay hindi nito alam gawin dahil nga parati itong nakaasa sa mga magulang niya.

Pero tinuruan nga raw ito ng asawa kung paano humawak ng mga kinikita niya kaya ngayon, magaling na rin itong mag-budget. Hindi na rin daw masyadong magastos.

Nauna nang sinabi ni Heart na hindi siya preggy kahit may ilang duda nga na buntis siya.

Baka raw kasi si Anne Curtis ang peg ni Heart na hindi agad umamin hangga’t hindi nakumpirmang safe na ang pagbubuntis niya.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with