^

Pang Movies

Alfred lalong sumipag

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alfred lalong sumipag

One sure thing about the Ten Outstanding Young Men award ni Quezon City District V House Represen­tative Alfred Vargas ay lalo pa siyang na-inspire to do better.

Naging hamon kay Alfred ang TOYM trophy para lalong mag-focus siya sa mga trabaho niya, mas pag­husayan ang kanyang performance, at lalong sumipag sa mas mataas na pag-aaral.

Alfred Vargas is still so young pero focused na focused ang direksyon na gusto niya na puntahan para magtagumpay.

People chemistry ang lagi kong sinasabi at ang kanyang misis na si Yasmine Espiritu ang the wind beneath his wings. Malaki ang kontribusyon ni Yasmine sa success ni Alfred.

I’m so happy and proud to have Alfred as my alaga and anak. Sure ako na whatever he plans, magagawa niya at mararating. Soaring high, congrats Alfred, now a congressman, what later? Whatever, we will always support you, promise.

Sunud-sunod na party nakaka-drain ng energy!

Nakaka-drain din pala ng energy ang party-hopping, lalo na ngayong Christmas season dahil kaliwa’t kanan ang mga Christmas party, presscons at mga premiere night ng mga pelikula na kasali sa 45th Metro Manila Film Festival.

‘Yun siguro ang effect na kahit within QC area lang ang venue ng mga party at presscon,sobra ang tagal bago marating ang mga pupuntahan dahil sa bagal at dami ng sasakyan.

Naloka ako noong Huwebes dahil lowbat na lowbat ang pakiramdam ko mula Annabels, Romulo Cafe at Luxent Hotel samantalang halos magkakatabi lang ang  mga location ng mga nabanggit na establishment.

Kaloka talaga dahil mabibigat din ang mga giveaway na grocery basket kaya mahirap dalhin, kahit enjoy na enjoy ako sa pakikipag-agawan.

Mabuti na lang ,malamig ang simoy ng hangin or else, lalong drained out ang feeling. Next week na mas malapit na sa Christmas, lalong hectic ang schedule dahil halos everyday ang lunchdate.

How I wish younger ako dahil sa mga ganitong panahon, tatalbugan ko sila sa energy ko. Kahit sampung Christmas party a day, kakayanin ko at sure ako.

Farewell episode ng SPS nakakalungkot

Masaya pero malungkot na nagpaa­lam kahapon sa isa’t isa ang mga mainstay ng Sunday PinaSaya dahil taped as live na ang farewell episode nila para sa susunod na Linggo, December 22.

Apat na taon at apat na buwan na nagkasama-sama ang cast ng Sunday PinaSaya kaya mabigat sa kanilang kalooban ang magkahiwa-hiwalay.

Kung may consolation ang Sunday Pinasaya stars, ito ay ang mataas na ratings ng show nila. Magpapaalam ang cast na nakataas ang noo dahil tambak ang commercials ng kanilang programa.

Natapos na ang kontrata ng APT Entertainment at ng GMA-7 kaya ang Kapuso Network na ang magpo-produce ng All Out Sunday, ang Sunday noontime show na ipapalit sa Sunday PinaSaya.

Mapapanood simula sa January 5,2020 ang All Out Sunday na kasing-bongga rin ng Sunday Pinasaya.

Mindanao kailangan ng dasal

Malakas na lindol ang naranasan kahapon ng mga kababayan natin sa Mindanao.

Maraming beses nang nililindol ang Mindanao pero ayon sa broadcast journalist na si Jay Sonza, ang lindol kahapon ang pinakamalakas na naramdaman nila.

Dasal ang hinihiling ng lahat para hindi na maulit ang malakas na lindol na maraming beses nang nananalanta sa Mindanao. Malapit na ang Pasko at ang mahinto na ang natural calamities at ang pagyanig ng paligid ang dasal ng lahat sa Panginoon.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with