^

Pang Movies

FPJ may fans pa rin kahit 15 years nang wala

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
FPJ may fans pa rin kahit 15 years nang wala

On the way sa isang event na pinuntahan namin, nagdaan kami sa Roxas Boulevard para umiwas sa sobrang traffic. Nadaanan namin ang monumento ni Fernando Poe Jr., malapit lang sa Luneta. Mayroong bulaklak, mayroong isang nakasinding kandila, pero napansin namin parang hindi na kagaya noong dati. Noon, basta kamatayan ni FPJ, may malaking bulaklak doon, o baka naman hindi masyadong aware si Mayor Isko Moreno tungkol sa mga bagay na iyon.

Pero maayos pa rin naman ang pagkakagunita sa Da King. Sa kanyang libingan sa Manila North Cemetery ay nagkaroon ng misa na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan at maging ng fans. Mahirap makalimutan ng mga tao si FPJ.

Kung iisipin nga ninyo, labinlimang taon matapos siyang yumao, ang kanyang mga pelikula ay ipinalalabas pa rin sa telebisyon at sa cable at mataas ang ratings ng mga iyon sa tuwing ipalalabas. Maski nga iyong ibang kabataan ngayon na hindi na umabot sa panahon ni FPJ, gusto pa rin siyang mapanood.

Isa pa, tatagal kaya ng apat na taon ang serye niyang si Coco Martin kung hindi nakakabit sa titulo noon ang pangalan ni FPJ?

Labing limang taon na ngang wala si FPJ, pero ang kanyang impluwensiya lalo na sa local film industry ay nananatili. Iyong mga tao sa industriya, lalo na ang maliliit na manggagawa, hindi makalimutan kung papaano sila itrato ni FPJ lalo na kung iyon na ang nagho-host ng isang Christmas party. Sinasabi nga maski ng bit players, nakakakain lang sila nang masarap kung may shooting kung si FPJ ang bida. Hindi kasi pumapayag iyon na iba ang pagkain ng mga kasama niya sa pelikula kaysa sa kinakain niya. Si FPJ lang din iyong laging tumutulong sa mga nagkakasakit na mga kasama, kahit na hindi naman talagang nakasali sa mga pelikula niya. Iba si FPJ eh kaya mahirap siyang makalimutan.

Kapatid ni Miko nakiusap sa nagkakalat ng picture ng kuya

Nagpaabot ng pasasalamat si Erika Hocson, ang kapatid ng yumaong male star na si Miko Palanca sa lahat ng naki­dalamhati sa kanila, at lalo na sa mga nakaunawa sa hiningi nilang privacy noong panahon ng kanilang kalungkutan.

Ganoon pa man, may pakiusap pa rin siyang sana ay matigil na ang mga unconfirmed stories, at lalo na ang nagpapakalat pa ng mga pictures ng naging malagim na katapusan ng kapatid niyang si Miko. Mayroon pala kasing nakakuha pa ng pictures ni Miko nang bumagsak sa canopy ng mall sa Santolan at inilabas pa iyon sa social media.

Sana nga naman itigil na iyan.

Mga beki galit na galit Michelle Dee ligwak sa Miss World! 

Kung naka-monitor kayo sa social media noong Sabado ng gabi, madarama ninyo na galit talaga ang mga beki nang hindi makapasok si Michelle Dee sa top 5 ng Miss World. Si Michelle pa naman ang inaasahan nilang babawi sa pagkatalo ni Gazini Ganados sa Miss Universe.

“Matulog na tayo, waley na naman,” ang halos sabay-sabay na post ng mga beki, sabay pintas pa sa show ng Miss World na ginawa raw musical, at naging katawa-tawa ang candidates.

Ayos lang naman iyon, hindi naman talaga puwedeng taun-taon ay Pilipinas ang laging mananalo sa international beauty contests.

vuukle comment

MISS WORLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with