^

Pang Movies

Atom binisita ang mga pinagkukunan ng Japan surplus

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atom binisita ang mga pinagkukunan ng Japan surplus
Atom

Ipapalabas na ngayong araw ang trip sa Japan ni Atom Araullo kung saan inalam kung saan nga ba nanggagaling ang mga surplus na kinahuhumalingan ng maraming Pinoy.

Parang kabuteng nagsusulputan ang mga Japan surplus shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Hindi magkanda-ugaga ang mga Pinoy sa pagbili ng mga lumang gamit mula sa bansang Hapon. Isang dahilan nito ay ang murang presyo.

Para kay Miss Sally, na pitong taon nang nasa ganitong negosyo, kailangan ng mahabang pasensya sa pakikisalamuha sa mga kostumer. At sa bawat delivery ng container van, surpresa ang naghihintay sa kanila sa bawat kagamitan na nakukuha nila. Pero sulit naman ang pagod lalo na kapag nakikita nilang nauubos ang mga paninda.

Pero tila ang salitang Japan surplus ay hindi na akmang pangalan dahil kadalasan, ang mga matitiyagang kostumer ay nakaka-jackpot sa bagong-bagong mga kasangkapan na galing pa ng England o kaya ay mga orihinal na branded bags at alahas.

Kaya si Atom pumunta ng Japan upang alamin kung saan nga ba nanggagaling ang mga surplus na ito.

Panoorin ngayong Linggo ang I-Witness dokyu na Japan Beri Good pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.

Pero kayo ba nahuhumaling din sa mga ganitong kagamitan? Safe rin kaya ito?

Bakit nga ba hindi natin tangkilikin ang sariling atin at bakit kailangan yung galing pa sa ibang bansa na pinagsawaan na?

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with