^

Pang Movies

Michelle panlaban sa Miss World ang advocacy sa autism

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Agence France-Presse
Michelle panlaban sa Miss World ang advocacy sa autism
Michelle

Ngayong Sabado (Disyembre 14), inihahandog ng GMA Network ang grand coronation night ng Miss World 2019.

Ang GMA Artist Center talent na si Michelle Dee ang kinatawan ng ating bansa ngayong taon sa pageant. Matapos tanghaling isa sa mga nagwagi sa Head to Head challenge kung saan ibinahagi ni Michelle ang kanyang adbokasiya sa autism awareness, tiyak nang may pwesto siya sa Top 40. Kabilang din ang kanyang adbokasiya sa Top 20 ng Beauty with a Purpose program.

Gaganapin ang pinakahuli at pinaka-aabangang kompetisyon ng taon sa ExCeL Arena sa London, United Kingdom.

Ang Kapuso leading lady at Miss World 2013 na si Megan Young ang isa sa mga host ng coronation night kung saan 112 na kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang maglalaban-laban para sa korona.

Sino sa mga naggagandahang kandidata ang mag-uuwi ng korona at ng natatanging titulo ng Miss World 2019?

Panoorin ang grand coronation night ng Miss World 2019 ngayong Sabado, 10:20 pm sa GMA.

Traffic pa more…

Grabe dahil sa matinding traffic, hindi na kami umabot sa concert ng U2. Kaya nag-stay na lang kami sa Forever Kapamilya Christmas Party for the entertainment press / bloggers.

Matindi ang traffic everywhere kaya talagang pahirapan bago makarating sa mga lugar na pupuntahan.

Anyway, ang saya ng Forever Kapamilya party. Sayang lang din at ‘di rin namin inabutan sa party ang mga bigwig ng Kapamilya Network na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez and ABS-CBN CEO Carlo Katigbak. Dahil pa rin sa traffic.

Hahaha.

 

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with