^

Pang Movies

Statement ni Jomari may mga butas?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis na kinontra ni Joy Reyes ang naging statement ni Jomari Yllana, matapos magbigay ng pahayag tungkol sa kanilang hindi pakakasundo na nauwi sa paghihiwalay. Mabilis na sinabi ni Joy na walang alibi na kailangan at ang gusto niya ay manatili na lamang sa talagang issues. Ni hindi niya iginigiit ang muling pagkakasundo nilang dalawa. Ang hinahabol na lang niya ngayon ay ang napagpakasunduan nilang sustento ni Jomari sa dalawang anak nila.

Dahil sa sunud-sunod na statements ni Joy na nauna nang lumabas, napilitan na si Jomari na magsalita tungkol sa split. Inamin niyang matagal na silang hindi nagkakasundo ng dating live-in partner, at nang duma­ting nga ang panahon na sa palagay naman nila mahirap nang mag-reconcile, naghiwalay sila.

Medyo may napuna lang kami sa sinabi ni Jomari, sabi niya kasi noong nakaraang taon pa sila hiwalay. Lumalabas naman ang kanilang ikalawang anak ni Joy ay ipinanganak nitong taong ito lamang. At may mga social media posts si Joy nitong taon lang na ito na kasama pa si Jomari sa mga picture.

Sinabi rin naman ni Jomari na hindi niya pinababayaan ang kanyang mga anak, at tungkol naman sa sinasabing transportation, maayos naman daw ang usapan, sabi pa ni Jomari.

Sinagot naman iyon ni Joy na hindi pa nga raw kumpleto ang ipinadalang sustento para sa November gayong December na ngayon. Ikinaila rin siyang mayroon silang ginagamit na sasakyan, kaya sinasabi nga niyang kung may emergency, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga bata.

Pero ang isa pang lumabas sa statement ni Jomari ay ang katotohanang mukhang nag-uusap at nagkakamabutihan na sila ng dati niyang girlfriend noong araw na si Abby Viduya. Hindi pa lang maliwanag kung hanggang saan aabot ang relasyong iyan.

Liza at Enrique ‘di payag maghiwalay!

Ngayon lumilitaw na nga na nagkaroon din naman ng mga plano noon na bigyan ng ibang ka-love team si Liza Soberano bukod kay Enrique Gil. Pero kapwa nga yata tutol ang dalawa na sila ay bigyan ng ibang ka-love team.

Marami ang naniniwala na dapat naman silang magkaroon ng pagkakataong iba ang partner, lalo na nga sa kaso ni Liza. Hindi rin naman maganda sa career niya ang laging si Enrique na lang ang kanyang leading man. Posibleng mabilis silang pagsawaan ng mga tao.

Palagay namin, mas wise talaga kung magkakahiwalay din sila.

Female star na panay ang yabang sa mga branded na gamit, ‘di makapagbayad ng galon ng tubig!

“Ang tagal magbayad ng utang ni ma’am,” ang tsismis ng isang delivery boy ng mineral water sa isang condo kung saan nakatira ang isang female star. Every other day daw kung magpa-deliver ng tubig ang female star at nagagalit kung nale-late ang kanilang delivery. Pero kung minsan umaabot naman ng every other month bago siya magbayad.

“25 pesos lang po isang container iyong singil namin, ang tagal pang magbayad,” sabi ng deli­very boy. Pero si female star, panay ang pagyayabang ng kanyang mga branded na bags at shoes. Panay din ang pagyayabang ng pamamasyal sa abroad.

Pero iyong tubig na iniinom niya, hirap na hirap bayaran.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with