^

Pang Movies

Erich iniwan muna ng BF na galing sa madatung at conservative na pamilya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Erich iniwan muna ng BF na galing sa madatung at conservative na pamilya!
Erich at Matteo

Iniwan muna pala si Erich Gonzales ng kanyang boyfriend na madatung.

Nagma-master daw sa The Wharton School of the University of Pennsylvania ang boyfriend ni Erich na si Mateo Lorenzo kaya LDR (long distance relationship) muna sila ayon sa isang source.

Low key ang relasyon ni Erich sa BF na galing sa mayamang pamilya na very conservative at Opus Dei ang mga magulang.

Kaya duda ang source na hahantong sa kasalan ang relasyon ni Erich sa young businessman.

Ma-showbiz si source kaya updated siya sa mga issue sa actress na laging naba-blind item na diumano’y nagiging demanding na kahit sa mga tinatanggap na trabaho.

Sexy actress grabeng gumastos

Grabe raw ang datung ng isang sexy actress. As in kung magbayad daw sa stylist, walang pakialam kahit magkano.

Walang hinihinging discount. Basta raw sabihin lang ang charge dini-deposit na lang nito.

Pinagdududahang may nag-aalagang negosyante sa sexy actress.

Wag iasa sa cellphone

ang buhay

‘Magbasa rin pag may time’

Kahit pa anong panlalait ng mga blogger o maging ng mga social media influencer, hindi pa rin nila kayang patumbahin ang print media.

Nag-uumpisa pa lang ang PM (Pang-Masa) noong 2013, ang sinasabi na ng iba ‘print is dead’ at wala na itong pag-asang mabuhay pa.

Pero thank God, hindi totoo ang kanilang chika. Buhay na buhay ang mga dyaryo.

Oo nga at marami na ang nagsara at humina pero, hindi masasabing patay na. Alive and kicking at nakikipag-kumpetensiya sa digital platforms.

True naman na nag-iba na ang landscape ng newspaper industry sa Pilipinas sa paglawak ng new media, pero contrary sa hula noon pa na mabubura ang dyaryo,  hindi naman nagkatotoo.

Salamat po sa 16 years na pagbabasa ng Pang Masa (PM). Ipagdasal nating ‘wag namang maging buhay na lang ng mga Pilipino ay social media at tuluyan nang kalimutan ang pagbabasa.

Ayon sa lumabas na survey, ang Pilipinas na ang may pinaka-maba­bang reading comprehension at se­cond sa ­science and mathematics sa 79 countries na natuklasan sa survey.

Grabe ganun na pala.

So guys magbasa rin pag may time ng mga dyaryo at libro.

‘Wag puro cellphone ang asika­suhin.

Thank you again sa mga nagbabasa ng PM.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with