^

Pang Movies

2020 sunud-sunod ang kasalan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Mukhang magiging sunud-sunod ang kasalan ng ilang celebrity couples sa taong 2020.

Kumpirmado nang ikakasal sa buwan ng March 2020 ang engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati pero hindi pa sila nagsi-share kung anong petsa sa Marso at kung saang lugar.

Elusive rin sa pagbibigay ng wedding details ang isa pang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ganoon din sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Hindi rin magpapahuli ang Kapamilya actor na si JC de Vera at ang kasintahan nitong si Rikka Alyssa Cruz.

Magkakaroon ng special participation ang more than one-year-old daughter nina JC at Rikka na si Lana Athena sa kasal ng dalawa dahil makakasama siya ni Rikka sa paglalakad patungong altar.

Isang traditional and out of town wedding ang magaganap na kasal nina JC at Rikka.

Ang isa pang celebrity couple na nakatakdang ikasal in 2020 ay ang kapwa Kapuso talents at segment hosts ng Unang Hirit na sina Juancho Trivino at Joyce Pring who got engaged last August 3, 2019 sa Boracay.

Jinkee may sarili na ring cosmetic line

Ang misis ng boxing hero at senador na si Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ay nakatakdang maglabas ng sarili nitong cosmetic line na may pangalang “J” kung saan niya  kasama ang kanyang beauty consultant na si Cor Flores.

Since mahilig si Jinkee sa mga mahahalin at branded make-up, dito siya nagdesisyon na mag-create ng sarili niyang cosmetic line na inaasahang magiging available na sa market soon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng limang anak, sobrang maalaga si Jinkee sa kanyang look at flawless skin.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with