^

Pang Movies

Jane naka-focus sa paghahanda sa Darna!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jane naka-focus sa paghahanda sa Darna!
Jane

Naka-focus ang Kapamilya actress na si Jane de Leon sa kanyang training bilang paghahanda sa kanyang pagganap bilang Darna.

Ang nagte-train kay Jane ay ang celebrity fitness trainer na si Culver Padilla.“More on nag-fofocus po kami sa training muna. And inaasikaso po namin ang location with the production and even the cast din,” sey ni Jane.

Ang award-winning film director na si Jerrold Tarog ang magdidirek ng Darna.

Nakatanggap na raw ng magagandang salita si Jane mula sa mga gumanap bilang Darna na sina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Gumanap na Darna si Sharon sa pelikulang Captain Barbell in 1986 at si Regine ay nag-Darna sa 2003 remake ng Captain Barbell.

“I saw ‘yung interview nina Ms. Sharon Cuneta and Ms. Regine Velasquez, ‘yung nagbigay sila ng advice sa akin. Nakaka-touch lang. Kasi ‘di ko inexpect coming from them na magbigay sila ng advice sa akin.

“Na-meet ko na si Liza (Soberano). We had dinner already. Looking forward naman na ma-meet ko si Ate Angel Locsin,” ngiti pa ni Jane.

Si Liza ang original choice to play Darna, pero nag-backout ito dahil sa kanyang finger injury.

Noong nakaraang November 29 ay na-meet na ng personal ni Jane ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gumanap na Darna noong 2009 sa GMA-7.

December Avenue tinalo sina Taylor Swift at Ed Sheeran sa most streamed artist!

Ang Pinoy band na December Avenue ang hinirang ng Spotify Philippines na “most streamed artist” for 2019.

Ito nga raw ang first time na isang Filipino act ang nag-top sa annual list ng naturang streaming service.

Nakilala ang banda dahil sa hit single na Huling Sandali at Kung Di Rin Lang Ikaw with Moira dela Torre.

Kinabog ng December Avenue ang global pop stars na sina Taylor Swift at Ed Sheeran na nasa second and third place.

Pang-apat naman ay ang Pinoy duo na Ben&Ben at ang pang-lima ay si Ariana Grande.

Natuwa at nagulat ang members ng December Avenue sa pagkilala na ito ng Spotify. Last year daw kasi, wala sila sa Top 5.

For the global rankings, the most streamed artist for the year was Post Malone, Billie Eilish, Ariana Grande, Ed Sheeran, and Bad Bunny.

Emma Stone engaged na sa BF na segment producer

Engaged na ang Oscar winner na si Emma Stone sa kanyang boyfriend na si Dave McCary.

Since 2017 pa nagde-date ang dalawa at nai-share nila ang masayang moment na ito via Instagram.

They posted a photo of the two of them with a diamond ring on Emma’s finger. The ring appears to be a cluster of clear-cut diamonds set on a band of stones.

Segment producer ng Saturday Night Live si McCary at nakilala niya si Emma noong mag-host ito back in December 2016.

Wala pang official na date or venue ang wedding ng dalawa. Busy pa rin kasi si Emma filming the live action version of 101 Dalmatians for Disney. Gaganap si Emma bilang si Cruella de Vil.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with