^

Pang Movies

Jake at Kylie ayaw magpa-pressure sa kasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jake at Kylie ayaw magpa-pressure sa kasal!
Jake at Kylie

Super-happy ang Pasko ngayon ni Jake Cuenca dahil sa girlfriend na si Kylie Versoza. One year pa lang ang relationship nila at kitang-kita naman sa aktor nang dumalo siya sa presscon ng The Haunted na sobrang happy siya ngayon.

For this Holiday Seasons, Jake and Kylie are planning to take an Asian cruise pero dahil nga may Metro Manila Film Festival movie siya, ang Mission Unstapabol with Vic Sotto and Maine Mendoza, after Christmas na sila aalis.

“First time kong mag-cruise, tapos kasama rin ang family niya (Kylie),” pag-i-inform ni Jake.

So, talagang mainit ang Pasko niya?

“Masaya, thankful at cozy ang Pasko,” sambit niya.

At dahil nga usung-uso ang engagement ngayon at kasalan, natanong namin si Jake kung nakikita na ba niya ang sarili na mag-settle down in the near future with Kylie.

“Wala pa, pero ‘yung mga ganun’g plano, hindi na malayong tingnan ngayon. Pero siyempre, si Kylie, kaka-start lang ng career niya, so gusto kong ma-enjoy niya ‘yun.

“Nakikita ko na very passionate siya about acting, about being an advocate for mental health, so gusto ko naman ma-enjoy niya ‘yun.

“So, no pressure. ‘Yun din naman ‘yung kung baga, sikreto kung ba’t masayang-masaya kami. Kasi, wala kaming pressure talaga,” sey ni Jake.

Kung dati ay hindi pa nakikita ni Jake ang right girl for her, ayon sa aktor, this time ay nakita na raw niya talaga.

Samantala, masayang-masaya si Jake na makatrabaho ulit si Shaina Magdayao after seven years. Huli nilang pinagsamahan ay ang Kung Ako’y Iiwan Mo noong 2012. Aniya ay deciding factor daw talaga ang aktres kung bakit niya tinanggap ang The Haunted. Kasama pa raw si Denise Laurel na napakatagal na rin niyang kakilala since Click days pa sa kabilang istasyon.

Ang The Haunted ay isang horror serye na magsisimula na ngayong Sunday, Dec. 8 bilang kapalit ng Parasite Island. Komento nga ng press, parang MMFF movie lang daw ang serye since kapag Kapaskuhan ay patok na patok ang mga horror films.

Smokey hindi pa nararanasang magka-asawa’t anak

Ngayong Sabado ay si Smokey Manaloto ang mapapanood sa episode ng Ipaglaban Mo na pinamagatang Sisante. Pangalawang IM na ito ng aktor at matagal-tagal na rin daw ang nakalipas since his first appearance sa show pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya ito nakakalimutan.

“Lumabas na ako sa Ipaglaban Mo bilang security guard kasama si Maui Taylor. Natatandaan ko ‘yun. Hindi ko pwedeng makalimutan‘yun dahil kauna-unahang bed scene ko ‘yun,” natatawang sabi ni Smokey sa kanyang panayam sa Kapamilya Confessions online.

This time, sa Sisante episode ay gaganap naman siyang isang ama na iniwan ng kanyang asawa na gina­gampanan naman ni Aleck Bovick.

Kahit wala pa siyang asawa’t anak in real life, naram­daman din ni Smokey ang sakit sa pag-iwan ng asawa dahil inisip na lang daw niya ang kanyang pamilya.

Aniya, siyempre ay hindi niya nanaising maranasan ito at ayaw din niyang maranasan ng iba.

Matagal nang Kapamilya actor si Smokey at natutuwa naman siya kapag may mga ganitong magagandang project na dumadating sa kanya.

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with