^

Pang Movies

Mark, nabiktima ng maling akala!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mark, nabiktima ng maling akala!
Mark

Parang napaka-cruel naman ng mga basher kay Mark Bautista, Salve. So unfair na magbigay ka ng comments na may bad connotation sa isang bagay na maganda naman ang gustong iparating.

Binati ni Mark ang gymnast na si Caloy Yulo dahil sa tagumpay nito sa 30th SEA Games, at natuwa naman si Caloy sa pagbati ni Mark, so bakit kailangan lagyan ng malisya?

Bakit kailangang lagyan ng ibang kulay ang isang sincere na pagbati? Si Mark Bautista ang isa sa pinakamabait na singer na nakilala ko aside from Martin Nievera at Marco Sison.

Isa si Mark sa mga pinaka-magalang, sincere at very kind person sa showbiz. Kung anuman ang sexual orientation ni Mark, wala itong kinalaman sa taglay niyang talento at ugali.

Kung anuman ang kanyang sexual preference, hindi ‘yon makababawas sa pagkatao niya.

Sure na sure ako na ang  pagbati  ni Mark ay dala  lamang ng pride na nadama niya sa tagumpay ni Carlo bilang athlete.

Sincere na pagbati, katuwaan sa tagumpay at mula sa puso ni Mark ang paghanga.

Huwag tayo maging cruel, bulag at one track minded.

Tingnan n’yo si Mark as a beautiful person, talented performer, good singer, no matter whatever is his sexual orientation. Total person siya, hindi kailangan ang label dahil mabuti siya na tao. Mark my word, Mark Bautista will conquer the world.

PAMI members komportable sa isa’t isa

Ngayon ang Christmas party ng PAMI. Dahil sigu­ro matagal na ang PAMI, hindi tulad ng SPEED ang paghahanda na ginagawa namin.

Sa mahabang panahon na magkakasama kami, very comfortable na kami sa isa’t isa, kahit pa nga kung minsan, akala ng iba hindi closely knit ang PAMI.

Kapag may mga dumarating na problema sa PAMI, makikita ng lahat how they fight for the members, how they try to help out and like one big family, they act as one.

Parang magkakapatid ang mga miyembro ng PAMI. Kapag may mga issue, nagtatalakan at tumataas ang boses ng mga member but in the end, together pa rin.

Sa PAMI, ako pinaka-pasaway na member at ayoko nang gabi na meeting. Palagi kong binu-bully si June Rufino, lagi akong nanghihingi kay Veana Fores ng complimentary tickets, madalas na nanghaharbat ako kina Boy Abunda at Perry Lansigan.

Lagi ko ring binubuwisit si Dolor Guevarra at spoiled ako kay Shirley Kuan pero kahit ako ang black sheep, feel ko pa rin na love nila ako.

Matagal ko nang darling si Malou Choa Fagar, may something kami ni Popoy Caritativo, si Manny Valera parang younger brother ko na, si Jojie Dingcong pinapayagan ako na harbatan ang mga alaga niya, si Arnold Vegafria masarap din kasama at kahit si Girlie Rodis, okey rin.

Basta thru the years solid ang PAMI, ang samahan ng mga talent manager na binuo ni Douglas Quijano, kasama pa noon  sina Bibsy Carballo at Wyngard Tracy.

Pero isang bagay ang cute, ‘yung iba gustong pumasok sa PAMI pero si Jun Nardo, umalis bilang member na hanggang ngayon, ‘di ko pa alam ang dahilan kaya mag-iimbestiga ako at mang-iintriga. Joke, joke, joke.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with