^

Pang Movies

Tisoy ‘di napigilan ang party ng GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tisoy �di napigilan ang party ng GMA

Pero salamat sa Diyos, maliban sa malakas-lakas na ulan at hangin noong hapon, hindi naman sapat iyon para hindi dumalo ang mga entertainment media sa imbitasyon ng GMA Network.

Kaya labis-labis ang tuwa at pasasalamat ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa mga dumalong media na pumuno sa Studio 7 ng GMA Annex building. 

Wala naman kasing ipagwo-worry ang mga dumalo dahil kahit umulan pa nang malakas (na hindi naman nangyari), ay safe sila sa loob ng building. 

Kasama rin niyang nagpasaya sa media sina Mr. Felipe Yalong, Ms. Lilybeth G. Rasonable, Ms. Redgie Magno, Ms. Bang Arespacochaga and Ms. Angel Javier-Cruz.

Hindi nga binigo ng GMA ang media sa paraan nila ng pagpapasalamat sa mga tulong sa pamamagitan ng kanilang mga diyaryo at blogs para mai-promote ang mga shows ng network sa kani-kanilang articles and columns.

Hosted by Betong Sumaya, Tetay and Sophie Albert, nagkaroon ng games na masayang sinalihan ng media kung saan nagkamit sila ng cash prizes and gifts.

May segment din na pumili sila ng Male & Female Stars of the Night mula sa media na pinanalunan ng mga kasama nating sina Joe Barrameda at Erlinda Rapadas, respectively. 

Tumanggap sila ng trophy, sash at cash prize each.

Marami ring cash prizes ang ipinamigay ng GMA mula sa mga bossing ng network, at mga Kapuso artists na nagbigay din ng mga song numbers. 

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with