^

Pang Movies

Top 3 ng Metro Manila Filmfest may hula na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

May kanya-kanyang list na ang mga kaibigan ko ng mga pelikulang panonoorin nila sa Metro Manila Film Festival 2019.

Mukhang mangunguna talaga ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis dahil lahat ng mga nakausap ko ay gustong panoorin ang pelikula.

Siyempre, marami rin ang gustong manood ng 3pol Trobol (Huli Ka Balbon) nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

May mga nagsasabi rin na panonoorin nila ang movie nina Vic Sotto ay malakas din ang dating. Marami rin ang gustong manood ng Mission Unstapabol: The Don Identity kung saan kasama ni Bossing Vic sina Maine Mendoza, Pokwang, Jake Cuenca, Sarah Lahbati at iba pa. Ang tatlong nabanggit na pelikula kaya ang mag-Top 3?

Well... ‘Yun na!

Annabelle may wish sa magkakapatid na Barretto

Ang wish ni Annabelle Rama na magkabati na ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto. Sinabi mismo ni Annabelle ‘yon kay Gretchen nang hindi sinasadyang magkita’t “nagkabati” sila sa Gloria Maris restaurant sa Greenhills, San Juan noong Tuesday afternoon. Ang nanay nga kaya ni Ruffa Gutierrez ang maging daan para tuluyang matapos ang problema ng magkakapatid?

Ay, Ateng Salve, sana nga! Nang magkakausap nga pala kami that afternoon, nasabi ko rin kay Gretchen na kahit ano pa ang mangyari, magkakapatid pa rin sila!

Feeling ko, ang sarap-sarap ng magiging Christmas ng magkakapatid kung magkakaa­yos-ayos nga sila! ‘Yan din ang wish ko for them!

vuukle comment

METRO MANILA FILMFEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with