^

Pang Movies

Karla, mega proud kay Daniel

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Karla, mega proud kay Daniel
Karla

Wow, finally, dahil sa Luna Awards ng Film Academy of the Phi­lippines at Film Development Council of the Philippines ay Best Actor na rin si Daniel Padilla.

Si Daniel nga ang nanalong best actor for The How’s Of Us noong Saturday sa Luna Awards na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC (Bonifacio Global City).

Pero like her girlfriend and screen partner Kathryn Bernardo na nanalong best actress for the same movie sa EDDYs naman, wala rin ito dahil may trabaho.

Si Daniel kasi, nasa Dubai, United Arab Emirates dahil may KathNiel Live in Dubai sila kahapon.

Before that, nag-show rin sila sa Moscat, Oman naman noong Friday, kaya malabo talagang maka-attend si Daniel sa Luna Awards noong Saturday.

Kahapon, ka-text ko ang nanay ni Daniel, ang super in love na si Karla Estrada at binati ko sa latest achievement ng anak.

Alam na nga raw ni Daniel ang tungkol sa best actor award nito.

Super thankful si Karla at nang tanungin ko kung may message na ang anak, sinabing ang mga taga-Star Magic na kasama roon ay kukunan na raw ng video message ang kanyang anak para makapagpasalamat sa best actor award sa Luna Awards.

Ang bongga!

Vivian ‘di sinipot ang Luna…

Pagdating namin ni Mother Lily Monteverde sa Luna Awards (nagpasama siya dahil awardee siya ng Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievement Award), nakita ko kaagad si Liza, pero parang wala si Vivian Velez na siyang head ng FAP?

Nang magtanong ako after the event, wala nga raw si Vivian. May narinig akong dahilan, pero sinubukan ko siyang tawagan kahapon, pero cannot be reach ang kanyang cellphone number.

Nang tanungin ko naman ang isang taga-FDCP, sinabi niya na ire-relay niya ang katanungan ko sa office ni Liza.

Pero as if this writing, wala pa naman akong kasagutang natatanggap.

Well...

Unbreakable magso-showing na sa Amerika

Ay, naku, Ateng Salve, ngarag ako kahapon dahil ‘yung pa-screening dapat ni Ruffa Gutierrez ng Unbreakable last Saturday ay ginawa niyang kahapon na lang.

May pictorial kasi siya last Saturday.

Anyway, bago nga ang SPEEd Christmas party n’yo kagabi, go muna ako sa Power Plant Mall para manood ng Unbreakable with Ruffa and some friends.

Yes, twice ko na na napanood ang Unbreakable at hindi ako nagsasawa.

Si Ruffa, twice na rin nanood.

Sa Sunday uli, manonood ako ng Unbreakable with the fans of Richard Gutierrez dahil sila naman ang may pa-block screening sa SM Megamall.

Nakatutuwa nga pala ang ilang friends ko sa Los Angeles, California dahil marami sa kanila ang manonood ng Unbreakable na showing na roon this weekend.

Ang bongga!

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with