^

Pang Movies

Bea napapansin sa abroad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bea napapansin sa abroad!
Bea

Siguro masasabi ngang sobrang suwerte ni Bea Alonzo. Napili siya ng International Film Festivals and Awards sa Macao bilang isa sa kanilang mga nakitang may potential na maging international artists. In fact, iyon ang talagang pakay nila sa pagbibigay ng awards, iyong mga artista na may potential naman para sa mga international projects ay mapansin.

Sa December daw ang awarding sa Macao at mukhang personal iyong tatanggapin ni Bea.

Iyan ang sinasabi namin noon pa. Maraming mga artista natin ang mahuhusay at masasabing maaaring lumaban sa mga international stars, pero hindi sila nakikilala. Kasi nga pilit silang inilalabas sa mga pelikula lamang natin na hindi naman nailalabas sa ibang bansa.

Kung ilabas man sa abroad, special screening lang iyan na karamihan Pinoy din ang nanonood. Hindi pa naman tayo nakakapasok sa commercial theater circuits talaga eh. Kaya tingnan ninyo, noong unang magtangka noon si Tetchie Agbayani, hindi ba naging bida pa siya agad sa isang American movie? Noong makita nila kung gaano kahusay si Lea Salonga, hindi ba hinangaan siya mula London hanggang New York at nakuha ang grand slam award para sa ginampanan niyang role sa sinalihang sikat na stage play.

Maraming sumunod kay Lea hindi na nga lang nakakuha ng ganoong karangalan.

Pero kung hindi nga makapasok ang mga pelikulang Pilipino sa international market, hindi ibig sabihin noon ay hindi na rin makakapasok ang mga artistang Pilipino sa international market.

Ang kailangan lang ng Pinoy ay exposure, kailangan lang ng connections.

Bakit ba nananalo tayo ng beauty titles sa abroad, bakit hindi makakapasok ang ating mga artista kung ganoon?

Maganda ang nangyaring iyan kay Bea. Sigurado mapapansin na siya sa abroad. Baka hindi magtagal, makuha na siyang artista roon, at artista talaga ha. Hindi iyong mapapanood mo lang ng fifteen seconds katakut-takot na pa-bongga na.

Korean stars na kinaa­dikan ng mga Pinoy, sangkot sa rape at droga!

Nakita namin sa TV habang papalabas ng korte ang tungong-tungong si Jung Joon Young, matapos na siya ay basahan ng hatol na pagkakakulong ng anim na taon. Ang isa pa niyang kasama, ang pop singer ding si Choi Jong Hoon ay nahatulan ng limang taon ding pagkakakulong dahil sa pag-rape sa isang babaeng nalasing at nawalan ng malay.

May sinasabi pang ang ginawa ni Joon ay ini-record pa niya sa video, at inilabas sa isang group chat nilang magkakaibigan. Gang rape ang ikinaso sa kanila at iba pa nilang mga kasamahan. Nauna riyan, may kaso na rin ang ibang Korean stars na involved sa prostitusyon at droga, at ang mga iyan ang siya ring pinagkakaguluhan ng mga kabataang Pinoy.

Animated film umeeksena pa rin sa mga sinehan

Noong Friday, payday, isang pelikulang Pilipino lang ang palabas doon sa mall na malapit sa amin na may walong sinehan. Karamihan sa mga sinehan, ang palabas pa rin ay isang animated film na mukhang pinipilahan pa rin.

Mukhang maliwanag na Tita Salve, wala kang mamanahin kahit na sabihin mo pang ikaw ang legal na heredera. Ganyan lang talaga ang buhay, suwerte-suwerte lang iyan. Kasi naman malalaki nga ang mga artista, hindi naman alam kung sino ang mas dapat na mai-promote para sila kumita.

Ayan tuloy, wala kang mamanahin. Huwag ka nang umasa.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with