^

Pang Movies

Mga taga-Makati nang-iinggit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga taga-Makati nang-iinggit
Mayor Abby

Pag naririnig ko ang kuwento sa Makati, Salve parang naiinggit ako lalo na iyong ginagawa nila sa mga senior citizen. Iniisip ko suwerte naman nila.

Siguro nga iyon ground works na inumpisahan ng tatay nilang si VP Jojo Binay, iyon din sinunod ni Mayor Abby Binay. Iyon aggressive approach ni Mayor Abby sa business at relasyon sa tao, sa ma­nagement skills kaya maganda ang takbo ng Makati, sure ako iyon din ang nakita niyang ginagawa ng father niya.

Nagpakita naman siya ng husay bilang congresswoman at iyon din ang naging pattern ng management niya sa Makati.

Bongga si Mayor Abby Binay kaya natuwa si Gorgy Rula na Makati girl na siya at nag-apply ng card na hawak ng mga taga Makati.

Hay, may libre na diyang cake pag-birthday niya at meron na rin siyang gamot sa mga sakit niya.

Dobleng ingat...

Hindi ko akalain na ganoon na pala ka-bold ang street crimes sa US. Ibinalita ni Jun Lalin ang nangyari sa aming friend na si Mary Ann Opeña na na­ging victim ng snatching sa isang open parking lot sa Los Angeles, California.

Matagal nang naninirahan sa US si Mary Ann kaya hindi nito inaasahan na magiging biktima siya ng street crime na nagdulot sa kanya ng sobrang trauma.

Tinutukan pa ng baril ang isang kasama ni Mary Ann kaya lalo pang nadagdagan ang kanyang trauma. Hanggang ngayon, panay ang iyak ni Mary Ann kapag naa­lala nito ang krimen na nangyari.

Ang karanasan ni Mary Ann ang patunay na hindi lamang sa Pilipinas laganap ang krimen dahil nangyayari rin ito sa iba’t ibang mga lugar.

Dobleng ingat ang dapat gawin at huwag iasa sa mga pulis o security guards ang ating kaligtasan kapag nasa labas tayo ng ating mga tahanan.

Kahit saan lugar ngayon, hindi maiiwasan na magkaroon ng panganib sa mga kalye. Kung nangyayari ang snatching sa US na maraming pulis, lalo na sa bansa natin na kadalasan, wala tayong makita na pulis sa daan.

Iba na talaga ang mundo ngayon, dobleng ingat na talaga ang kailangan. Let’s be safe everyone.

Joyce ginawang ninang si Mel

Napilitan si Joyce Pring na sabihin sa live broadcast ng 24 Oras noong Huwebes na magpapakasal sila ni Juancho Trivino sa first quarter ng 2020 dahil sa tanong sa kanya ni Mel Tiangco.

Caught off guard si Joyce na napi­litan din na magkuwento na kabilang si Arnold Clavio sa mga magiging ninong nila ni Juancho sa kasal.

Binuweltahan ni Joyce si Mel nang sabihin niya na baka puwedeng maging ninang ang res­pected newscaster sa garden wedding nila ni Juancho. Caught off guard din si Mel na tinanggap ang imbitasyon ni Joyce.

Marami ang nasorpresa sa mabilis na pangyayari sa relasyon nina Joyce at Juancho na hahantong agad sa kasalan.

Actually, wala nang dahilan para patagalin pa nila ang plano na pagpapakasal  dahil parehong nasa legal age na sina Juancho at Joyce.

Siguro naman, tapos na ang taping ng Madrasta bago ikasal sina Juancho at Joyce kaya magkakaroon na ng time ang aktor na mag-focus sa wedding preparations nila ng kanyang future bride. .

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with