^

Pang Movies

Lovi hindi kinalimutan ang pagkanta!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Lovi hindi kinalimutan ang pagkanta!
Lovi

Pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga sa telebisyon, visible na ulit si Lovi Poe sa small at big screen.

Hindi lamang ang pag-arte ang kanyang binalikan, kung hindi pati na rin ang first love niya, ang pagkanta.

Sa bago nitong single na Segundo na mula sa panulat ni Marion Aunor at ini-release ng Viva Records, pinatunayan niya na hindi lang talaga siya basta isang mahusay na aktres, kung hindi magaling ding umawit.

Nagpasabog din siya ng kaseksihan sa music video nito.

Wish ng kanyang fans, sana raw ay dalasan niya ang pagkanta at magkaroon pa ng maraming song.

Nagulat pa nga ang ibang netizens dahil maganda pala ang boses ng aktres.

Kung matatandaan ay nagsimula ang career ni Lovi bilang singer sa GMA-7 bago siya naging aktres.

Samantala, masayang-masaya si Mother Lily Monteverde sa current success ng pelikula ni Lovi with Joem Bascon na The Annulment, na talaga namang pinag-usapan ng moviegoers dahil sa daring scenes nila.

Masaya rin naman ang aktres dahil mainit pa rin siyang tinanggap sa kanyang pagbabalik sa showbiz world.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with