^

Pang Movies

Ruffa ayaw na uling magka-asawa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruffa ayaw na uling magka-asawa!
Ruffa

Hindi masabi ni Ruffa Gutierrez ang estado ng lovelife niya nang makatsikahan namin siya last Wednesday sa block screening ng Unbreakable na pinagbibidahan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez with Bea Alonzo and Angelica Panganiban.

May tsika kasing hiwalay na siya sa French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal pero ayaw itong pag-usapan ni Ruffa. “Huwag na nating pag-usapan ang mga lovelife,” she said.

Pero hindi ba niya naiisip na panahon na rin naman para mag-asawa siya?

“Alam mo, wala naman akong balak mag-asawa ulit or magkaroon ng anak ulit. Because I have 2 kids already,” she confessed.

Dati raw ay naisip pa niyang i-freeze ang eggs niya para sa proseso ng pagkakaroon ng anak ulit.

“Iniisip ko nga, two years ago, “shall I freeze my eggs or not?” Pero parang it’s already hard to take care of 2 by yourself,” sey ni Ruffa.

Ang goal na raw niya ngayon ay maging donya siya pagsapit ng 50 years old.

At ang nakakatuwa, magkabati na naman sila ng mommy niyang si Annabelle Rama kaya lalo tuloy malakas ang hinala na break na talaga sila ng boyfriend. “Okay naman kami ni Mommy. Minsan nagkaka-problema lang kami tungkol sa boyfriend. ‘Yun lang naman, eh. Wala namang ibang problema sa amin.

“Gusto niya yata, tumanda akong dalaga,” sey pa ni Ruffa.

By the way, kasama rin ng aktres ang dalawa niyang anak na sina Lorin and Venice sa naturang block screening para suportahan of course si Richard. Naroroon din ang kanyang magulang na sina Annabelle at Eddie Gutierrez.

Nagsimula nang ipalabas nationwide ang Unbreakable last Nov. 27, Wednesday.

Eddie naiyak sa pelikula ni Richard

Speaking of Tito Eddie, in fairness, tinapos niya talaga ang Unbreakable kahit iniwan na siya ni tita Annabelle para tumakbo naman sa isa pang block screening sa Rockwell.

After the movie ay nahingan nga ng press ng reaksyon ang ama ni Chard at ikinaaliw namin ang dialogue niyang “alam mo, Richard has arrived as an actor” simply because matagal na namang naka-arrive talaga ang kanyang anak.

Needless to say, all praises si Tito Eddie sa movie at sa acting ng buong cast including his son.

He explained, “ibang-ibang Richard ang mapapanood n’yo rito. Well, of course, magagaling ‘yung dalawang babae (Bea and Angelica). Kaya Richard was carried away in all his scenes. Lahat naman sila, magagaling, eh. Pati ang support.”

Sey pa ni tito Eddie, napakahusay daw ng kuwento at story kaya ipinahayag din niya ang pagbati kay direk Mae Cruz-Alviar. Hindi nga raw siya umiiyak sa mga pelikula, pero sa Unbreakable ay naiyak daw siya.

“Ibang-iba ang istorya at grabe ang twist. Hindi ordinaryong pelikula ito,” sabi pa ni tito Eddie.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with