^

Pang Movies

Barbie at Kate, Maricel at Snooky ng kanilang henerasyon?

Joe Barrameda - Pang-masa
Barbie at Kate, Maricel at Snooky ng kanilang henerasyon?
Barbie

MANILA, Philippines — Exciting at bigatin ang nalalapit na bagong taon para sa talented Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Kate Valdez dahil bibida ang dalawa sa remake ng sikat na 1984 film na Anak Ni Biday Vs. Anak Ni Waray na mapapanood sa GMA Primetime.

Matatandaan na pinagbidahan nina Snooky Serna at Maricel Soriano ang classic Filipino film na ito kung saan gumanap naman na nanay nila ang mga beteranang aktres na sina Nida Blanca at Gloria Romero.

Sa much-awaited TV adaptation ng pelikulang ito, magsisilbing ina naman nina Barbie at Kate sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Maraming netizens ang nagpahayag ng excitement sa star-studded cast na makakasama nina Barbie at Kate, dagdag pa ni Nancy Pena “Wow! Ang gagaling ng cast, can’t wait to watch this upcoming teleserye.”

Bibida rin sina Celia Rodriguez, Teresa Loyzaga, Jay Manalo, Migo Adecer at Faith Da Silva sa Anak Ni Biday Vs. Anak Ni Waray na malapit nang ipalabas sa GMA-7 ngayong 2020.

Ricky at Dante may espesyal na role sa serye ni Nora

Kamakailan lang ay nagkaroon na ng story conference ang pagbibidahang serye nina Nora Aunor, Kyline Alcantara at Mylene Dizon na mula sa award-winning na pelikulang Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit.

Isinalin na ito sa TV para gawing serye.

Makakasama nila sa Bilangin… sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta at Divina Valencia.

Gagampanan nina Mylene at Kyline ang mga karakter nina Nolie at Maggie na parehong binigyang buhay ni Nora noon.

Espesyal ang magiging role ni Nora rito bilang ina ni Nolie kaya dapat abangan ito sa GMA.

Dapat ding pakatutukan ang mga magiging partisipasyon nina Ricky Davao at Dante Rivero sa remake.

Thea nagpapasalamat sa mga sampal ni Gladys 

Kaloka si Thea Tolentino huh. Imbes na mainis o masaktan ay natuwa pa sa malakas at malutong na sampal na ipinaranas ng beteranang kontrabida na si Gladys Reyes sa serye nilang Madrasta.

Worth it naman daw para sa kanya na makatikim ng mag-asawang sampal mula kay Gladys. Nagpasalamat pa nga ang Kapuso actress dito dahil ganitong mga klase ng eksena ang pinagkukuhaan niya ng kaalaman para sa mga susunod na tagpo ng pinagbibidahang serye.

Patuloy na subaybayan ang mas umiigting na kaganapan sa Madrasta, tuwing hapon sa GMA-7.                                                

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with