^

Pang Movies

Arnold napagkakamalang may-ari ng GMA

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Arnold napagkakamalang may-ari ng GMA
Arnold

Hindi na ako nakapunta kahapon sa presscon ng Unang Hirit dahil naka-reserba para sa Take It Per Minute (Me Ganun) ang Tuesdays ko.

Sayang, chance ko pa naman sana na makita na magkakasama ang cast ng Unang Hirit na magdiriwang ng 20th anniversary sa December 6, 2019.

Kapag binanggit ang Unang Hirit, si Arnold Clavio agad ang pumapasok sa isip ng mga tao dahil isa siya sa mukha ng morning show ng GMA 7.

Napagkakamalan na nga si Arnold na may-ari ng GMA 7 dahil siya ang nagbubukas sa umaga at nagsasara sa gabi ng mga programa ng Kapuso Network.

Co-host si Arnold ng Unang Hirit na napapanood mula madaling-araw ng  Lunes hanggang Biyernes at sa gabi naman, siya ang anchor ng Saksi. Bongga siya ‘di ba?

Arnold Clavio is Arnold Clavio talaga na walang pahinga dahil pagkatapos ng Unang Hirit, tumatakbo siya sa radio program nila nina Papa Mike Enriquez at Ali Sotto sa DZBB.

BI ni Igan kinatatakutan!

True ang sinasabi ng mga tao na kapag si Arnold Clavio ang nagbitaw ng blind item, tiyak na totoo kaya afraid ang marami, lalo na ang mga public official na maging subject ng blind items ni Arnold sa Sino?, isa sa mga inaabangan na segment ng radio program nila sa DZBB.

Hindi kasi basta nag­hahatid ng blind items si Arnold dahil katakut-takot na verify muna ang ginagawa ng kanyang team bago i-share sa public ang juicy news na hindi pinapangalanan ang mga starring sa kuwento.

May mga nagre-react at agad na tinatawagan si Arnold sa telepono pero siyempre, wah niya spluk kung sino ang subject ng blind items ‘no!

Papa Raffy bumuwelta sa bashers

“You cannot stop me!” ang message naman ni Papa Raffy Tulfo sa lahat ng bashers niya na kumakampi sa teacher na inakusahan ng child abuse dahil sa pagpapahiya umano sa isang estudyante.

Nabaling kay Papa Raffy ang galit ng netizens nang sabihin niya sa teacher na harapin ang kaso na isasampa o mag-resign na lamang siya.

Pero hindi nagpaapekto si Papa Raffy sa bashing dahil imbes na matakot, sinabi niya sa mga kritiko na walang makakapigil sa kanya na ipaglaban ang karapatan ng mga bata.

“Gawin n’yo na pong gusto n’yong gawin, be my guest but I’ll continue to be the advocate of the children who are being abused.

“‘Yun po ang tama na dapat ninyong gawin sa halip na maging sawsawero at kung anu-anong pinagsasasabi sa social media and lastly again, for the second time, I will not stop hangga’t meron pong  mga bata na naaabuso, hangga’t meron pong mga  bata na nasasaktan, hangga’t merong mga bata na pinahiya, nandiyan po ako, whether sila po ay pumunta dito or hindi, asahan n’yo po, ako ay mangunguna para protektahan ang kanilang karapatan,” ang message ni Papa Raffy sa kanyang mga basher.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with