^

Pang Movies

Imelda dinumog din sa Las Vegas

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya ang Jukebox Queen at Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin nang dumugin ng kanyang fans at followers ang katatapos lamang niyang concert na ginanap sa Philippine Arena. Kasama ang ilan pang de kalibreng singer, pinasaya ni Mel ang audience. Imagine, napuno niya ang venue?

Anyway kung sa Las Vegas nga dinudumog si Mel, sa sariling bayan niya pa kaya?  

Emma Cordero big hit pa rin

Big hit din ang show ni Emma Cordero sa Heritage hotel at hindi nagpatalbog sa dami ng tao. Kahanga-hanga si Emma dahil hanggang ngayon ay reyna pa rin siya sa mga concert show. Walang kupas ang tinig, hindi ba Obet Serrano at Roland Lerum?

Hunk actor na pinagkaguluhan ng mga beki sa gym, bading din ang type!

Sino ba itong hunk actor na ito na kasama ang baklitang alalay na nagtungo sa isang expensive gym sa Makati. Ayon sa alalay, biglang dumami ang mga nagdyi-gym nang mag-umpisa na ang hunk actor. Halata raw ng alalay na may pagnanasa ang mga bading sa alaga niya, pinigil daw niya ang sarili dahil gusto niyang sigawan ang mga baklang nakapaligid.

Hindi nila alam, hindi nila talo ang hunk actor dahil naglalaki-lalakihan lang daw ito ng katawan para mapansin ng TV producers.

Sikat na fast-food chain sa Baliwag, newly renovated na!

Bukas na ang bagong renovated Chowking sa Baliwag. Special guest noong blessing si Baliwag Hermano Mayor Jorge Allan Tengco at Maria Victoria ‘Vic-Vic’ Tengco na parehong owner ng naturang food chain  sa Baliwag.

Halos kasabay nitong nag bukas din ang Jollibee, Baliwag.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with