^

Pang Movies

Claudine nakakaranas pa ng depression!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Claudine nakakaranas pa ng depression!
Claudine

Halatang masakit na masakit pa rin para kay Claudine Barretto ang pagkamatay ng kanyang amang si Miguel Barretto base na rin sa kanyang recent Instagram post.

Idinaos ng Barretto family ang ika-40 day ng pagyao ng Barretto patriarch last Saturday at ayon kay Claudine, ngayon pa lang niya talaga nararamdaman ang sakit ng pagkawala ng ama.

“Dearest Daddy yesterday was your 40th day & wedding anniversary. Slowly it’s been sinking in that u really are not without us anymore.

“I cannot explain the pain & emptiness im feeling. Dad my worst nightmare came true, I lost u. I luv u Daddy always have & always will,” ang caption ni Claudine sa larawan nila ng kanyang ama noong nabubuhay pa.

Nakaka-touch din ang ipinost na video ni Claudine kung saan ay makikitang yakap nito ang apo. Caption ng aktres, “the kids miss u Terribly Dad.”

Sinabi rin niya sa kanyang post na nade-depress siya lately at nami-miss niya ang ama.

“Been depressed lately but still Standing. Miss u Daddy. Visit me in my dreams,” post ni Claudine.

Hiling ng kanyang mga tagahanga na maging matatag siya sa matinding dagok na ito sa kanyang buhay.

Bea at Angelica mas lumalim na ang friendship

Ngayong rekindled na ang friendship nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban, ano nga ba ang masasabi nila sa isa’t isa bilang kaibigan?

“Grabe ‘to!” bulalas ni Bea patungkol kay Angelica. “Ipaglalaban ka niyan. Grabe! Intense ‘yan bilang kaibigan.

“Hindi, saka ano, hindi lang siya friend sa surface. Alam mong lumalalim talaga siya. “May mga bagay na naaalala niya out of nowhere na kahit ako, hindi ko na naaalala tungkol sa sarili ko.

“She’s very sweet, she’s very thoughtful. And ‘yun na nga, parang kapatid, parang ituturing ka niyang pamilya at mararamdaman mo talaga,” sey pa ni Bea.

Maalaga naman ang deskripsyon ni Angelica kay Bea bilang kaibigan.

“Sa aming dalawa kasi, ako ‘yung parang mas impulsive mag-decide, impulsive magsalita, hindi ako nag-iisip ‘pag nagsasalita ako. Siya ‘yung parang aangklahan mo ‘pag hindi mo na alam ‘yung... ‘yung parang ‘tulong!’ siya ‘yung hihingan mo ng ganu’n kapagka nangyari sa ‘yo, ma-out of words ka,” sey ni Angelica sabay-tawa.

Dagdag pa niya, si Bea ang tipo na kapag naliligaw ka ng landas or hindi mo na alam ang gagawin mo, ang aktres ang tatakbuhan mo dahil very smart ito at alam kung ano ang tama.

“So, siya ‘yung parang nagiging light, ganu’n. Nun’g dumating siya sa buhay ko, parang may light na ulit. ‘Yung may lightness. Parang gusto mo lalong maging mabu­ting tao dahil alam mong kapagka may na-dissapoint ka, may tatalak sa ‘yo. ‘Yung ganu’n,” pagde-describe pa ni Angelica sa BFF.

Magkasama sina Bea at Angelica sa pelikulang Unbreakable with Richard Gutierrez na showing na this Wednesday, Nov. 27.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with