^

Pang Movies

Kasal nina Sarah at Matteo wala pang petsa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kasal nina Sarah at Matteo wala pang petsa
Sarah at Matteo

Marami ang nagtatanong kung kailan ba talaga ang kasal ng engaged couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo pero ayon sa aktor, wala pa raw date ang kanilang wedding. Ito ang sinagot niya nang tanungin ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa isang cycling event held last Saturday.

“Wala pa, eh. I’ll let you know,” ani Matteo.

Ang lahat ay nakaabang ngayon sa upco­ming wedding nina Matteo at Sarah matapos nilang i-announce ang engagement nitong buwan.

Ang daming humuhula na maaaring next year na daw ito unless gusto nila ng matagal na engagement. Last year pa engaged ang dalawa ayon na rin sa kapatid ni Matteo na si Paolo at kung hindi pa sila magpapakasal next year, for sure ay ang mga fans nila ang mas maiinip.

Usually kasi, rito sa atin, kapag na-engage na ang isang couple ay kaagad nang pinaplano ang kasal unless may mga dahilan para ma-delay ito.

In the case of AshMatt, kasal kasi ngayong December ng younger sister ni Matteo na si Georgia kaya definitely, hindi sila puwedeng pakasal this year.

Bukod dito ay may Pedro Penduko pang project si Matteo at si Sarah naman ay katatapos lang gawin ang pelikulang Unforgettable.

Kaya mas malamang na next year nga ang kanilang kasal at ito rin ang inaasahan ng kanilang mga fans.

Liza Diño may panawagan sa mga artistang nominado sa Luna Awards

Aminado si Film Development Council of The Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño na malaking challenge sa mga awards night ngayon ang hindi pagsipot ng mga artistang nominado.

Parang ang nangyayari nga naman kasi ngayon, ang mga artista, kung hindi sila sure na mananalo, tamad nang magpunta. Dahil siguro magbibihis at mag-e-effort pa sila, tapos, baka talo naman sila.

“’Yung mga artista po natin o ‘yung mga nominees natin, sometimes, hindi na sila uma-attend ng mga ganitong pagtitipon,” pahayag ni Liza sa 37th Luna Awards Nominees night held recently.

“Nakakalungkot po dahil sa lahat po ng mga ina-attend-an kong awards night, lahat po ng mga sinusuportahan naming awards night, alam ko po ang hirap at dedikasyon at commitment na ginagawa nila para po mag-put-up ng isang event para po sa industriya.

“It’s not for them, they don’t do it for their own glory, but they do it because they wanna give something back to the industry and that’s the only way that they can say that they appre­ciate the efforts and the hard work of all our film makers,” sabi pa ni Liza.

Kaya naman nananawagan ang FDCP head sa mga artista partikular na ang mga nominado sa 37th Luna Awards na sana raw ay magsidalo sa gabi ng parangal. At hindi lang sa nasabing event kungdi sa lahat sana ng awards night.

“We’re celebrating our 100 years of Philippine cinema at hindi po natitinag ang lahat ng mga award-giving bodies natin para bigyan po ng suporta, ng recognition, ng karangalan at parangal ang lahat po ng ating mga artista, from the people behind camera to the people in front of the camera.

“Let’s support these events,” panawagan ni Liza.

Gaganapin ang 37th Luna Awards sa Nov. 30 sa Maybank Performing Arts Theater in Bonifacio Global City, Taguig City at wish ni Liza na lahat ng 60 nominees ay makadalo.

 

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with