^

Pang Movies

Rhea namigay ng tatlong sasakyan, motorsiklo sa birthday!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rhea namigay ng tatlong sasakyan, motorsiklo sa birthday!
Rhea

Hindi makapaniwala ang beauty queen-actress, interior designer, entrepreneur at isa sa mga brand ambassadors ng Beautederm na si Alma Concepcion na siya ang nanalo sa grand prize na kotse na ipina-raffle sa ika-40th birthday celebration ng lady boss ng Beautederm na si Rhea Anicoche Tan. Ito’y ginanap sa Somerset Ballroom ng Royce Hotel & Casino in Clark sa Angeles, Pampanga nung nakaraang Sabado, November 23 ng gabi.

Tatlong kotse ang ipinamigay ni Rhea nung gabing `yon. Ang isa ay ibinigay niya sa over-all top-seller ng Beautederm habang ang dalawa pang brand new cars ay ipina-raffle niya among the reselllers and dealers at sa mga brand ambassadors (celebrity endorsers) na abot na ngayon sa 42 na ang pinaka-latest ay si Enchong Dee.

Bukod sa tatlong brand new cars, dalawang motorcycles din ang ipinamigay at ang isa rito ay napunta sa actor na si Tonton Gutierrez. Halos maiyak naman si Ejay Falcon nang manalo siya ng P100,000 worth of Negosyo Package ng Beau­tederm ng pinanalunan ng anim na tao which also include actress Shyr Valdez, Darla Sauler at iba pa. Meron pang vacation package to Boracay at South Korea for two, laptops, iPods, Samsung units at dalawang iPhone 11 among others.

Sa dinami-dami ng mga negosyanteng na­kilala namin, wala na siguro hihigit pa kay Rhea Anicoche-Tan sa pagiging super generous sa pagsi-share ng kanyang blessings sa maraming tao.

Tatlong five-star hotels ang tinuluyan ng mga guests (including celebritities) ni Rhea na dumayo pa ng Clark.

Sa aming estimate, hindi bababa ng P20-M ang ginastos ng Beautederm, Inc. para sa bonggang birthday celebration ng president and CEO ng kumpanya na si Rhea na napaka-generous.

Bukod sa mga mamahaling pa-raffle, sobrang nag-enjoy ang mga bisita sa back-to-back mini concert nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Bukod pa rito ang mga spot numbers nina Dessa, Sanya Lopez, Ryle Santiago, Gabby Concepcion and Lorna Tolentino, Kitkat Favia, Ken Chan and Rita Daniela at iba pa. Overflowing din ang food.

Halos kumpleto ang 42 brand ambassadors ng Beautederm na pinangunahan ng Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Ken Chan, Pauline Mendoza (na nanalo rin ng P100,000 worth of Beautederm Negosyo package), Arjo Atayde, Ria Atayde, ang mag-asawang Glydel Mercado and Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Ryle Santiago, Sherilyn Reyes, Rochelle Barremeda and Jimwel Stevens, Maricel Morales at marami pang iba.  Hindi man nakadalo ang brand ambassador ng Beautederm Home na si Marian Rivera ay dumating naman ito sa last Friday sa unang araw ng Beautederm Seminar sa Marriott Hotel along with guest speakers na sina Pia Hontiveros at Chinkee Tan. 

Kinabukasan naman, araw ng Sabado ay naging guest speaker din ang dating konsehal at mayor ng Tacloban, ang singer-actress na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na dumaan pa sandali sa birthday celebration ni Rhea  kinagabihan pero kinailangang umalis kaagad pabalik ng Maynila dahil meron itong early commitment kinabukasan.

Sina Smokey Manaloto, Sherilyn Reyes at Maricel Morales ang magkakatulong na nag-host sa bonggang birthday celebration ni Rhea.

Karla nag-birthday sa Child Haus

Naging makabuluhan ang ika-45th birthday ng singer-actress-host na si Karla Estrada (ng Magandang Buhay) dahil idinaos niya ito kasama ang mga batang may sakit ng kanser sa Child Haus, ang temporary shelter ng mga batang may sakit na cancer na nagmumula sa mahihirap na pamilya sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.  Ang Childhaus ay siyang pet project ng beauty czar, TV host-producer at pilantropong si Mader Ricky Reyes.

Kasama ni Karla ang kanyang pamangkin, ang child actor na si Jordan maging  ang kanyang bagong inspirasyon ngayon na si Jam Ignacio na namigay ng pagkain at regalo sa mga batang may sakit.

“Kakaiba ang pakiramdam mo kapag nakapagbigay ka kahit lamang ng sandaling kaligayahan sa mga batang may sakit,” ani Karla na halatang inspirado ngayon.

vuukle comment

RHEA ANICOCHE TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with