^

Pang Movies

Yeng hinihiritan na rin ng baby

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Yeng hinihiritan na rin ng baby
Yeng

Ang daming naka-miss sa boses ni Yeng Constantino, at ngayon ay maririnig na itong muli sa bago nitong kanta na Kapag Ako Ay Nagmahal na siyang official soundtrack ng kanyang movie na Write About Love kung saan kasama rin niya sina Miles Ocampo, Rocco Nacino at Joem Bascon.

Ang Kapag Ako Ay Nagmahal ay orihinal na kanta ni Jolina Magdangal at umaasa si Yeng na magugustuhan ito ni Jolens dahil napakarami na ring gumawa ng iba’t ibang version nito. Ilan na rito ang mga magagaling na singer na sina Morissette Amon at Juris Fernandez.

Hiling ng fans, makapag-guest daw sana si Yeng sa Magandang buhay kung saan host si Jolina, kasama sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Masaya raw silang mapapakinggan ito ni Jolens ng live.

Samantala, bukod sa pelikula niyang Write… naging abala si Yeng sa pagiging hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Nagtataka pa rin ang fans niya dahil matagal na silang kasal ng asawang si Yan Asuncion pero wala pa rin daw silang anak.

Hirit pa ng fans, sana ay magkaroon na rin sila para mas lalo siyang maging inspired sa paggawa ng kanta.

vuukle comment

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with