^

Pang Movies

Bea at Angelica sabay dinapuan ng sakit

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Bea at Angelica sabay dinapuan ng sakit
Angelica at Bea

Naku, Ateng Salve, uso ngayon ang sakit, kaya dapat huwag mong kalimutan mag-take ng vitamins, huh!

Ang two leading ladies ni Richard Gutierrez sa Unbreakable movie ng Star Cinema, sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban, parehong may sakit ngayon.

Over fatigue raw si Angelica, kaya na-confine na sa hospital.

Eh, ‘di ba nag-Europe siya at pag-uwi deretso sa araw-araw na shooting ng Unbreakable plus promotions pa, kaya hindi na kinaya ng katawan.

Bale noong Friday lang nakapag-mall show ang dalawa sa SM Fairview.

Kahapon din pagkatapos ng guesting nila ni Richard sa It’s Showtime, sobrang paos na ni Bea at halos hindi na makapagsalita, kaya hindi na siya nakasama sa two mall shows kahapon, isa sa Star Mall sa San Jose, Bulacan at sa SM Valenzuela ang pangalawa.

Naku, buti na lang at mas matatag si Richard dahil nag-dubbing pa siya after ng It’s Showtime guesting kahapon bago nag-two mall shows.

Today, may three mall shows uli ang Unbreakable cast, sana kayanin na nina Bea at Angelica (sana talaga dahil excited ang mga fan na makita silang tatlo ni Richard).

Bongga kung complete sila mamaya sa SM Sta. Rosa, Laguna, SM Bicutan, Parañaque City at Vista Mall Taguig City.

Praying na parehong gumaling na sina Bea at Angelica.

Anyway, sa Wednesday na ang opening day sa mga sinehan nationwide ng Unbreakable!

Snooky nakakabilib ang proffesionalism

Feeling ko, Ateng Salve, uso talaga ang sakit.

Si Snooky Serna, nag-post naman noong isang gabi sa Facebook account niya.

Post niya, “Please, PLEASE FB FRIENDS MAY I HUMBLY ASK FOR YOUR PRAYERS FOR MY SPEEDY REVOVERY.

“May trabaho pa ako bukas...

“I HOLD ON TO YOU DEAR GOD. I HUMBLY ASK FOR YOUR HEALING AND GRACE. LORD JESUS, PLEASE HEAL ME. AMEN.”

Nadaan naman sa dasal at kahapon ay natuloy ang taping ni Snooky ng Dear Uge.

Sabi ng LVD management office niya, medyo gumanda naman ang pakiramdam ni Snooky, kaya nakapag-work kahapon.

And in fairness to Snooky, hindi siya nag-inarte dahil sa pagkakasakit at talagang nag-taping siya.

Nakakabilib na talaga ang pagiging professional ni Snooky, huh!

Clap! Clap! Clap!

Betong pumatok ang concert

Masaya raw ang comedian na si Betong sa success ng kanyang Music Museum concert noong Thursday.

In fairness, sold out daw ang tickets.

Nasa Greenhills, San Juan ako that night at nakita ko naman na pila ang mga tao papasok sa Music Museum.

Madadalas na kaya ang pagko-concert ni Betong?

‘Yun na!

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with