^

Pang Movies

Rhian masarap maging endorser

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rhian masarap maging endorser
Rhian

Isa talaga si Rhian Ramos na masarap maging endorser, Salve.

‘Di ba nga ba sister company din ng Kamiseta ang M&Co na ang namamahala ay iyon panganay na anak nila Gunn at Cris Roque at ang kanyang star endorser para sa cosmetic line si Rhian Ramos na talaga naman ang gandang model at endorser.

Magandang christmas gift this season ang mga lipstick, nail po­lish at face powder ng M&Co dahil ganda ng packaging at makikita mo talaga na ginagamit ni Rhian Ramos. Hindi lang make up line ang ini-endorse ni Rhian ngayon kundi maging ang kanyang pagi­ging car racer, kinuha siya ng Phoenix gas para endorser din.

Bongga si Rhian, kasi nga marunong mag-share dahil tingnan mo charity work niya nung birthday niya, talagang bigay todo siya sa mga kababayan natin sa poor area ng Valenzuela. Grabe ang saya na ibinigay niya sa mga tao dun na sure ako ay hindi nila makakalimutan, Salve.

Thea at Gladys nag-iyakan pagkatapos ng sampalan

Malakas at malutong na sampal ang ipinatikim ni Gladys Reyes kay Thea Tolentino sa confrontation scene nila sa isang episode ng Madrasta.

Nasaktan nang bongga si Thea sa ginawa ni Gladys pero hindi siya nagalit dahil alam niya na bawal sa kanyang co-star ang mameke ng pananampal.

Parehong napaiyak sina Gladys at Thea matapos kunan ang kanilang slapping scene na pinag-usapan.

Para kay Thea, worth it na nakatikim siya ng sampal mula kay Gladys dahil mala­king karangalan na masampal siya ng isa sa mga iginagalang at mahusay na aktres.

Sa tunay na buhay, close ang dalawa sa isa’t-isa dahil nagkasama na noon sina Gladys at Thea sa isang afternoon drama series ng GMA 7.

Kumbaga, gamay na gamay na nila ang isa’t isa at alam ni Thea na para sa ikagagan­da ng kanilang mga eksena ang totoo na pagsampal ni Gladys sa kanya.

Alam din ng lahat na in real life, mabait si Gladys at hindi ito marunong manakit. Paborito nga si Gladys ng mga nakakasama niya sa trabaho dahil magaling siya na makisama. With her around, walang dull  moment dahil chika per second si Gladys na hindi nauubusan ng mga kuwento kaya bagay na bagay siya na talk show host.

Michelle Dee susuportahan ng magulang sa London

Nag-babu na si Michelle Dee sa Pilipinas dahil lumipad siya sa London noong Miyerkules para sa Miss World 2019 na lalahukan niya.

Handang-handa na si Michelle na lumaban sa international beauty pageant na magaganap ang coronation night sa December 14 sa ExCel. London.

Sana nga, mag-win si Michelle para masundan na ang victory ni Megan Young sa Miss World noong 2013.

“I just hope to gain more momentum when I land in London, and I can’t wait to meet the other girls. I can’t wait to just gain this experience that I know would help me grow. Win or lose, it’ll help me become a better person,” ang sabi ni Michelle bago siya bumiyahe sa London.

Lilipad din sa United Kingdom ang mga magulang ni Michelle na sina Melanie Marquez at Derek Dee para bigyan ng moral support ang kanilang anak na hinuhulaan na mapapansin sa beauty contest na sasalihan.

Live na mapapanood sa GMA 7 via satellite sa Pilipinas ang Miss World 2019 sa December 14, 10 pm.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with