Bashers dinedma... Agila ni Bong mag-uumpisa na!
Push na ang TV comeback ni Sen. Bong Revilla via weekly series na papalit sa Daig Kayo ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero na pinamagatang Agila.
Pahinga muna raw sa trabaho si tita Glo dahil sa vertigo.
Next week na raw magsisimula ang taping ng senador na suki ng bashers.
Ayon sa source, almost the same raw ang concept nito sa Daig Kayo... na every month ay ending na ng story.
Every month din daw ay iba-iba ang set of guests ni Sen. Bong sa Agila.
At ang isa sa possible guests ayon kay Manay Lolit Solis, si Alden Richards.
Yup. Naudlot man si Sen. Bong sa The Gift, at least tuloy pa rin naman daw ang pagsasama nila ni Alden.
Anyway, eighty five years old na ngayon si tita Gloria Romero na sa tuwing gagalaw daw ay nahihilo kaya pahinga muna sa showbiz.
Decemer 16 ang birthday ni tita Glo at almost 60 years na siya sa showbiz.
Binash-bash nga ang senador matapos na lumabas ang isyu na papasok ang aktor / pulitiko sa drama series ng GMA.
- Latest