^

Pang Movies

Lea napa-ohh kay Jed!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lea napa-ohh kay Jed!
Jed

Kung hindi pa dahil kay Lea Salonga ay hindi malalaman ni Jed Madela na tapos na palang i-shoot ng ABS-CBN ang Christmas Station ID. Ito ay base na rin sa palitan nilang dalawa ng mensahe sa Facebook recently.

Ipinost ni Lea ang link ng Chrismas ID na mapapanood sa YouTube at sa comments section ay tila ikinagulat ni Jed na tapos na pala itong i-shoot.

Caption ni Lea na tila may hugot din, “Bamboo and I aren’t in the video much (except at the end... Sarah is in more than we are), but all our voices are very present. It was fun looking back at the previous station IDs, and singing them too!”

Reaksyon ni Jed na halatang gulat na gulat,  “Oh wow! They shot the station ID already????”

Sagot ni Lea, “yehzzzz.”

Sumagot ulit si Jed. Aniya, “Hah!!! I didn’t know!!! Oh well.”

Reply naman ni Lea na nagtatanong, “might you have been out of the country?”

And Jed answered, “Nope. Didn’t even get a message or a call. But it’s fine...”

Ang nasagot na lang ni Lea ay “Ohhhhh.”

Last year, natatandaan naming ang nag-emote sa hindi niya pagkakasama sa ABS-CBN Christmas Station ID ay si Janno Gibbs at ipinost pa niya sa kanyang social media account ang pagkadismaya.

Hindi naman nag-iisa si Jed dahil wala rin si Angel Locsin sa Christmas Station ID na may lagnat daw nun’g sinu-shoot ito.

Angelica at Bea nagtulungan sa pagmo-move on

Halos pareho ng pinagdaanan sa kanilang lovelife ang mga lead actresses ng pelikulang Unbreakable na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo, kaya naman nagkatulungan sila para maka-move-on.

“May pinagdaanan siyang based in the past tapos ako rin, halos pareho ‘yung pinagdaanan namin. ‘Di ba ganun ‘yun kapag nakaka-relate kayo sa pinagdadaanan ng isa’t isa, mas bonded kayo?

“Kasi tinutulungan niyo ang isa’t isa na mag-heal at tinutulungan niyo ang isa’t isa na maka-move on,” pahayag ni Bea.

Sey ni Angelica na natatawa, “ano kami, sharing notes.”

Dagdag ni Bea, nagtatawagan daw sila at kapag may moments na down ang isa, binibigyan nila ng encouragement ang isa’t isa.

Ayon naman kay Angelica, ngayon daw ay mas malalim na ang kanilang samahan.

“Kasi ngayon mas may maturity, hindi na lang puro harot. Siyempre noon, wala kayong ginawa kung hindi magkulitan lang, magkuwentuhan lang, mag-pictorial sa garden kapag may magandang background, parang day-off lang namin lagi.

“Ganoon lang, eh. Ganu’n lang ang samahan namin dati and mas lumalim talaga ngayon na parang pinagsama kami dahil siguro alam din naman ng tadhana na parang matutulungan namin ang isa’t isa,” wika naman ni Angelica.

Ang paglalim daw ng kanilang friendship ngayon ay nag-reflect din sa pelikula nila.

“Kung ano ‘yung makikita n’yo sa movie, naniniwala ako na mas may lalim ‘yung naramdaman namin sa totoong buhay kaya kaya naming itawid sa pelikula ‘yung mga ganu’ng eksena,” sey pa ni Angge.

Unbreakable is a story about friendship na idinirihe ni Mae Cruz-Alviar na mapapanood sa sinehan simula sa Nov. 27. Kasama rito nina Bea at Angelica si Richard Gutierrez.

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with