^

Pang Movies

Luis nangako na ng apo kay Ate Vi

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Luis nangako na ng apo kay Ate Vi
Jessy Mendiola

Engagement at kasal na lang ang kulang sa relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Tutal naman, halatang boto si Congresswoman Vilma Santos-Recto kay Jessy na nakasama sa nakaraang birthday celebration niya sa Taiwan nitong early November.

Sa huling text sa amin ni Ate Vi bago ang kaarawan last November 3, tanging pamilya lang ang nasabi niyang kasama. Wala siyang nabanggit na kasama si Luis.

Eh nung isang araw, aba, naglabas sa Twitter si Luis ng maikling video ng bonding ni Ate Vi at ni Jessy sa isang dinner, huh!

Dinig sa audio ang sabi ni Luis kay Ate Vi na ang regalo niya ay ibibigay niya in nine months. Sagot ni Cong. Vi, “Sana naman, naman, no?”

Pati raw buhok (saka ipinakita ang buhok ni Jessy), pagkain at iisa lang daw ang minamahal nila.

Bitin siyempre ang video na ‘yon kaya hiling ni Luis ay panoorin sa YouTube channel niya ang kabuuan.

‘Howhow’ ang term of endearment ni Luis kay Jessy.

Andrea special na ang pagmamahal sa nanay ni Derek

Nagpahatid ng birthday message via Instagram si Andrea Torres sa nanay ng boyfriend niyang si Derek Ramsay. Kalakip ng mensahe ang isang bouquet ng bulaklak at picture ng ina ng boyfriend.

“Will never get tired ot reminding you how special you are to me,” caption ni Andrea.

Nakilala na ni Andrea ang ina ni Derek at naging maganda ang pagtanggap ng ina sa Kapuso actress.

Eh para kay Derek, hindi lang sa buhay niya mahalaga ang mga magulang kung hindi maging sa career at personal life.

Mapagmahal din sa magulang si Andrea at isa ‘yon sa common factors nila ni Derek kaya nauwi ang team up nila sa seryosong relasyon kahit wala nang pormal na ligawan, huh!

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with