^

Pang Movies

Seth at Andrea takot sa ghosting!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Seth at Andrea takot sa ghosting!
Seth at Andrea

Nakakatuwa ‘yung nakisali si Carmina Villaroel sa pagi-interview kina Seth Fedelin at Andrea Brillantes sa mediacon kamakailan ng Wild Little Love, ang IWant digital film na pinagbibidahan ng SethDrea loveteam.

Natanong kasi sa presscon ang SethDrea kung paano nila ide-define ang “love” sa henerasyon nila at kung sila ba ang tipo na naniniwala sa mga label.

Sumingit si Carmina na nasa panel din since isa siya sa cast ng Wild Little Love. Umiral ang pagiging TV host ng aktres na sinimulan ding i-grill ang SethDrea.

“Okay, wait, puwede bang dagdagan ko ‘yun, kasi ‘di ba, ‘yung generation kasi natin, meron na ‘yung nagliligawan o kaya MU (mutual understanding), tapos mag-boyfriend, tapos ‘pag naghiwalay, hiwalay. Wala na ‘yung in-between,” simula ni Mina.

“Kayo ba may ligawan?” tanong niya kina Seth at Andrea, “hindi sa inyong dalawa, ha, du’n sa generation n’yo. May ligawan portion ba at kung meron, so meron ding girlfriend-boyfriend, naniniwala rin kayo sa label?”

Sinagot naman ito ng dalawa. Ayon kay Seth, may ligawan pa rin naman daw sa henerasyon nila. At meron din daw mga label.

Ayon naman kay Andrea, ang malungkot lang daw sa henerasyon nila ay mayroon nang ‘ghosting’ na ang ibig sabihin nga ay bigla na lang hindi makikipag-communicate ang isa sa kanyang karelasyon.

“Pero meron pa rin naman pong ligawan,” sey ni Andrea.

Tanong naman ni Carmina, “so, mas gusto n’yo ‘yung ganu’n na may ligawan? Mas gusto n’yo bang malinaw?”

Parehong “yes” ang sagot nina Seth at Andrea. Anila ay mas maganda raw talaga ang may label pa rin. “Para ‘pag sa ‘yo, sa ‘yo. Hindi ka maghahanap ng posisyon mo,” sey ni Andrea.

“Tama!” sagot naman ni Mina.

Dagdag na paliwanag ng aktres, may mga anak din daw kasi siyang halos kasing-edad nina Seth at Fedelin – ang twins na sina Cassy and Mavy na 18 yrs old na ngayon.

Ogie at Regine sumusubok ng baby number 2!

Parang honeymooners sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez habang nasa Positano, Italy. Ito ay matapos ang kanilang ASAP Rome last Sunday base na rin sa mga posts nila sa Instagram

Ayon kay Ogie sa kanyang caption, dream honeymoon destination daw nila ang Positano when they got married in 2010 na hindi nila napuntahan that time.

“When we got married in 2010, our dream honeymoon was supposed to be here in Positano. We weren’t able to come because wifey got pregnant 2 months after.

“And so, we both said “maybe someday”. Well, the Lord has blessed us after 9 years of waiting because finally we made it here. It certainly was worth the wait. Love you my baba,” ang caption ni Ogie sa sweet photo nila ni Regine with amazing view sa background.

Inirepost naman ito ni Regine at nilagyan naman niya ng caption na “Finally baba nakarating din tayo dito and you’re right it is worth the wait. I love you more baba.”

At dahil nga parang nagha-honeymoon ngayon ang mag-asawa, may mga comment na baka raw makabuo ng baby ang mga ito.

“Baby number 2 is coming,” komento nila.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with