^

Pang Movies

Heart nakuha na ang nakawalang aso!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart nakuha na ang nakawalang aso!
Heart

Naibalik na ang nawalang Maltese dog ni Heart Evangelista sa bandang New Manila. Nawala ang isa sa limang alagang aso bago siya pumunta sa isang event dahil nakalimutan ng kasambahay niyang lagyan ito ng dog collar.

Sa kabutihang-palad, isang lalaki ang nakakita sa aso kaya napawing lahat ang pag-alala ni Mrs. Chiz Escudero.

“Look at Casper’s smile! Thank you so much to Kuya Victor for finding and returning our baby. Thank you also to everyone who helped out in looking for him — going around in New Manila to look and spreading the word online. It really goes to show how powerful social media is when used for a good cause, ” ayon pa sa latest post ni Heart.
“Again, thank you, all! It wouldn’t have been possible without everyone working together. 

Kasunod ng pasasalamat ng Kapuso Sweetheart, inilabas niya sa kanyang Instagram stories ang isang lalaki sa may Gilmore station na kahit homeless ay inaalagaan ang mga aso.

“On my way home and I find this angel…minding his own business being guarded by his own angels sent by God. If you see him along Gilmore, say hello. His name is Jun…a hero, an inspiration,” caption ni Heart sa video.

Nakita pa si Heart na umupo sa baytang ng hagdan ng istasyon kahit puting-puti ang suot kasama si Jun at mga aso niya.

Akitibong campaigner ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) si Heart na humihikayat sa mga tao na mag-ampon ng mga aso lalo na ang tinatawag na Aspin o asong Pinoy.

Anestisya ayaw patugtugin sa ibang radio stations

Dalawang local radio stations pala ang ayaw patugtugin ang kantang Anestisya ng trio na JBK. Komposisyon ito ng entertainment editor na si Jojo Panaligan at produced ng RiderPH Studios.

Sa kanta, may mga linya kasing tagay na nagaganap sa inuman. Pero ayaw nang ga­wing isyu ito ni Jojo kahit sumikat ang mga kantang Beer ng Itchy Worms at Laklak ng Teeth.

Sa totoo lang, mula nang ilabas ang kanta, nasa Top 5 ito sa radio at sa loob ng isang buwan, ito ang biggest hit ng trio. Sa YouTube, umani ito ng 300K plus views at sa Facebook ay may 90K views na.

Sumali sa X Factor UK ang JBK na binubuo nina Joshua, Bryan at Kim.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with