^

Pang Movies

Maricel masaya kahit ‘di nakapasok sa MMFF ang Heiress...

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maricel masaya kahit �di nakapasok sa MMFF ang Heiress...
Maricel

Okay lang kay Maricel Soriano kung hindi man nakapasok ang pelikulang The Heiress bilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2019. Para sa Diamond Star, kung ito talaga ang plano ni Lord ay tinatanggap nila.

“Hindi naman natin puwedeng kuwestyunin kung anong plano ni God, ‘di ba? Malay mo, mas malaki ‘yung kitain namin, mas mapapasaya pa namin si Mother (Lily Monteverde, the producer), ‘di ba?” sey ni Maricel sa presscon ng The Heiress held last Thursday night.

Ayon naman sa direktor na si Frasco Mortiz, siyempre at first ay nalungkot daw sila na hindi nakapasok ang movie sa MMFF pero alam naman daw niyang may reason kung bakit.“Thankful lang ako na talagang may playdate agad. Kasi, ang worry ko, kung next year ipalalabas, ang daming ipapalabas na horror, baka maluma bigla,” sey ni direk.

Kaya nang sinabi raw sa kanya na hindi sila nakapasok sa MMFF pero ang good news naman daw ay early playdate sila, natuwa na rin daw siya dahil mapapanood na raw agad ang pinaghirapan nilang pelikula.

Bukod dito ay nakabawas din sa pressure dahil nga hindi na sila mai-stress sa MMFF parade at paggawa ng float although aminado naman din si direk na may mga mawawala ring opportunity.

“Pero I’m sure, may magandang rason kung bakit hindi kami nakapasok, and for me, mas maganda na hindi kami nakasama,” sey ni direk.

Showing na ngayong Nov. 27 ang The Heiress at ito ang pagbabalik ng Diamond Star sa horror film. Kasama rin sa pelikula sina Sunshine Cruz, Janella Salvador and McCoy de Leon hatid ng Regal Entertainment.

Albie mas bagay na hubad!

Pinagpistahan ng fans ang pinost ni Albie Casino sa kanyang Instagram account na eksena nila ni Andrea del Rosario sa Ipaglaban Mo.

Makikita kasi sa larawan na naka-topless siya habang magkayakap sila ni Andrea at ang sexy niyang tingnan, in fairness.

Iisa nga ang komento ng netizens – na bagay na bagay sa kanya ang mga ganitong sexy role at sana raw ay marami pang ganitong proyekto na dumating sa aktor.

Sa Ipaglaban Mo episode na mapapanood today (Saturday) titled Byaheng Langit ay ginagampanan ni Albie ang role na gwapo, matangkad, mayaman, sexy at malakas ang appeal na piloto. Mapapaibig niya si Jenny (Andrea) at magiging tatay ng anak nito ngunit iiwan niya ito sa ere.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with